«

»

Feb
04

Soeursbelle Tour Guide

Welcome to Soeursbelle Tour Guide
Be guided before you get started

Welcome and thank you for joining Soeursbelle. Dito niyo po mababasa kung saan pwede ninyong i-access ang mga stories, pagbili ng token, paano makakalikom ng libreng token at marami pang iba.

Nakalink na po lahat iyan kaya pwede niyo pong i-click at dadalhin po kayo sa page na iyon. Kapag gusto niyong bumalik sa page na ito, pumunta lang po kayo sa FAQ Page at Click SB Tour Guide.

Register – ito ang pinakaunang dapat gawin ng bawat sasali sa Soeursbelle.Com. Hindi po kayo makakapagbasa ng mga E-Pocketbooks natin dito hangga’t hindi kayo membro.

SB REHAB Center – pagktapos ninyong magparegister, daan po kayo sa SB REHAB CENTER para magpakilala. Mahalagang malaman namin na nakasali na po kayo sa ating pamilya.

-Tagpuan ng mga Adik - Magpakilala po kayo dito at makibonding sa ibang mga membro.

-Session Room - Mag-iwan po ng review sa mga Premium E-PB’s na nabasa ninyo. Wala pong spoiler ah. May 5 tokens po bilang pasasalamat sa bawat review na gagawin ninyo per story.

-Game Room - Dito pag-uusapan ang mga ongoing, upcoming games.

-Bulgaran Room - Magpapahuli ba sa tsismisan ang mga adik? Kung kayo’y may tsismis aba’y dito na kayo.

-Counselling - Kapag may problema kayo sa puso o kung anuman about sa buhay at kailangan ninyo ng kaagapay, nandito ang mga adik handang tumulong at magbigay ng advice.

Token StoreDito po kayo makakabili ng Token para mabasa ang ating available Premium E-Pocketbooks. Kapag nagpurchase po kayo, matutulungan niyo po kami sa aming layunin na magpa-publish ng mga libro in the near future. Nag-enjoy na kayo sa pagbabasa, natulungan niyo pa ang paborito ninyong manunulat na makapagpapublish ng kanyang gawa.

 -Purchase Tokens - Maraming token packages na pwede ninyong pagpilian depende po sa budget ninyo kaya ano pang hinihintay ninyo, bili na!

-Earn Free Tokens - Para malaman kung ano ang mga dapat gawin para makalikom ng libreng token to unlock the Premium E-PB’s dito po kayo magbasa.

-Exchange Token - Kung sapat na po ang nalikom ninyong Free Token para i-unlock ang ating Premium E-PB’s o kung nakabili na po kayo ng Token, dito po kayo magpapalit.

-Donate Token – Kapag nais niyo pong magdonate ng Token sa inyong kaibigan, maaari niyo pong makita ang “Donate” button sa may sidebar sa baba ng inyong Token Bank.

E-Pocketbook Store - Dito niyo po makikita ang lahat ng mga bago at featured Premium E-Pocketbooks.

- New Releases – Mga bagong labas po na Premium E-Pocketbooks na hindi ninyo gugustuhing palampasin.

- Free Premium E-PB’s – Kung nais niyo pong mabasa ng libre ang mga Premium E-Pocketbooks, maaari niyo pong mabasa dito ang detalye kung paano.

Monthly Contest - Join po kayo para manalo ng mga cash prizes.

E-Pocketbook Library – Nandito po ang lahat ng mga istoryang nais ninyong basahin, from Free to Premium.

Premium E-Pocketbooks – Ang lahat ng mga istoryang nandito ay may bayad po. Pwede niyo pong i-unlock ng Free sa pamamagitan ng paglikom ng sapat na Token. Pwede din po kayong bumili ng Token para diretso basa na lang po kayo kaagad. Maari po kayong magbasa unlimited sa loob ng isang buwan sa halagang P100 lamang.

Free E-Pocketbooks – Kung hanap niyo po ay mga libreng istorya, dito niyo po makikita ang lahat ng iyon.

On-Going Stories – Mga istoryang hindi pa tapos at ipinopost namin araw-araw depende sa availability ng update galing sa author.

Horror Stories – Mga nakakakilabot na istoryang ikatatalon ng iyong puso.

Short Stories – Kung hanap mo ay maiikling istorya dito po kayo na page.

FAQ – Dito niyo po makikita ang lahat ng mga tanong ninyo about sa site. Kung hindi po nasagot ang tanong ninyo, mag-email lang po sa sbadikhelp@gmail.com para malinawan po kayo.

 -About US – Kung gusto niyo pong malaman kung paano nabuo ang soeursbelle, dito niyo po mababasa.

 -How To? – Kapag may tanong po kayo tungkol sa paano magparegister, paano magbayad, at kung ano pang mga “paano” na tanong ninyo, dito po kayo magbasa.

 -Token System – Kung bakit po tayo may token system ay dito po masasagot ang tanong niyo pong iyan.

Contact – Para sa mga tanong po ninyo, maari po ninyong i-access ang page na ito.

Share on Facebook

5 comments

  1. NoOr says:

    Waaaaaaah!!!…ag hirap mglikom ng mga tokens,..kya i decided to buy nlng…pero nxt month nlng lumipad na c sahod eh jejejeje,..bsta nxt month insaallah,..:):)….

  2. sandra says:

    pan0 mka free ng t0kens,cncya na ist time.;D

  3. jhodee05 says:

    why oh why? expired account status q..nag email na po q ayaw pa rin..help pls…hehehe

  4. Yankumi says:

    -i s wakas nkapsok dn..whew..

  5. mhae rebolado says:

    may account na namn po ako ,

    bakit ayaw pong ma-unlock yung napili kong premium story?:(

Your email address will not be published.

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Content Protected Using Blog Protector By: PcDrome.

Password Reset

Please enter your e-mail address. You will receive a new password via e-mail.