TEASER
“Siguro nga ay madalas akong mauntog, madapa, maaksidente at kung ano-ano pang kamalasan. Pero noong nakilala kita, ikaw ang pinakamagandang kamalasan na nangyari sa akin.”
The Unlucky One. Iyon si Jada Reese. Suki na siya ng kamalasan. Hindi lilipas ang isang araw na walang nangyayaring aksidente at kamalasan sa buhay niya. Hindi na siya nagtaka na nangyari sa isang araw lang ang matanggal siya sa trabaho, nakipaghiwalay sa kanya ang boyfriend niya at palayasin siya ng madrasta niya sa kanilang bahay.
Nadagdagan pa iyon nang nakipagtagisan siya ng palasingan sa isang lalaki na minalas rin yata ng araw na iyon. Hindi niya inaasahan na hahantong sila sa isang silid. Naisuko niya ang bataan! Dahil na naman sa katangahan niya ay nagmamadali siyang umalis sa silid na iyon nang hindi man lang tinitingnan ang mukha nito.
Buong akala niya ay makakalimutan niya ang pangyayaring iyon sa buhay niya. Pero paano? Paano niya iyon gagawin kung ang nangyaring iyon ang laging laman ng mga panaginip niya?
Paano na ang plano niyang pagpapakasal sa modelong nasa billboard? Matagal na niyang pinag-iipunan ang pagpunta sa El Bonita Rosa kung saan naroroon ito.
“Will you marry me?” tanong niya habang nakatingala sa billboard. Napakasarap pagmasdan ng katawan nitong hitik sa abs. Ang mga mata nitong kulay-turquoise na tila nababasa kung ano ang laman ng isip niya. Hindi niya alam kung bakit fascinated siya sa rose tattoo na nakalagay sa kaliwang tagiliran nito.
Ganoon na lang ang panggigilalas niya nang mapagmasdan iyon nang mabuti. Kamukhang-jamukha kasi iyon ng balat niya sa puwit na hugis-rosas! At bakit kahawig ng katawan nito ang lalaking laging laman ng panaginip niya? What a coincidence!
Slumbook ni EXODUS VISTANILLA
Jada: Hindi natin maiinterview si Sir Exodus dahil matigas pa sa bakal ang ulo niya. Look at this. *may inilabas na papel at recorder* Pero may paraan. At ito pa. *ipinakita ang maliit na camera na nakakabit sa kwintas* Am I genius or what? *laughs wickedly*
Manager sa bar ni Exodus: Jada, sinong kausap mo riyan?
…
Jada: Kinakausap ko po `yung mga langgam. Ang kulit kasi, nakaharang sa dinaraanan ko. Paano kung matapakan ko sila? Edi namatay sila?
Manager: Jada, inaatake ka na naman ng sakit mo.
Jada: *pumasok na sa office ni Exodus without knocking*
Exodus: Hindi ka ba marunong kumatok?
Jada: Hindi. *umupo sa tabi ni Exodus at pasimpleng itinutok ang camera rito* Kailangan mong sagutin ito dahil survey ito. Kailangan ito ng DOH.
Exodus: What?
Jada: DOT yata? Basta sagutin mo na lang. Isusulat ko na lang `yung mga isasagot mo.
Exodus: Okay. Bilisan mo na.
NAME: Zorobabel Exodus Vistanilla
Jada: Wow! Ang ganda pala ng pangalan mo. Tunog-mabait.
*Exodus ignored her. No reaction at all.*
NICKNAME: Exo
Jada: Can I call you Zoro?
Exodus: No.
Jada: Zoro. Zoro. Zoro.
Exodus: You’re fired.
Jada: *panicking* Sir, huwag naman po. Walang pambili ng pagkain ang mga kapatid ko.
Exodus: *smirks* Naging magalang ka yata?
Jada: Sir naman. Maawa naman po kayo sa akin.
Exodus: Pag-iisipan ko. Next question.
AGE: 30
Jada: Yuck! Ang tanda mo na pala. Matanda ka sa akin ng sampung taon?
Exodus: *glared at Jada na umaktong nag-zipper ng bibig*
HEIGHT: 6’1
Jada: Kaya ganyan mo ako maliitin.
Exodus: Get out of my office now, Jada.
Jada: Sinong gagawa ng interview mo este ng survey? Di ba ako lang ang mabait na kausapin ang taong bato na katulad mo?
Exodus: *rolled his eyes*
BIRTHPLACE: Madrid, Spain but I grew up here in the Philippines.
Jada: Saan mo nakuha `yang kulay ng mga mata mo?
Exodus: None of your business.
Jada: Hmp! Sungit! Por que blue na may green ang mata mo, mayabang ka na?
Exodus: It’s turquoise.
Jada: Whatever!
OCCUPATION: Owner of bars and restaurants. I do bartending sometimes.
Jada: Wow! Talaga? Pakitaan mo naman ko ng moves mo minsan. *bahagyang siniko ang tagiliran ni Exodus*
Exodus: Lumayo ka nga sa akin, babae ka.
Jada: Akala mo, gwapo ka? Puwes,…umm… HINDI NO!
Exodus: I don’t care.
COURSE: Hotel and Restaurant Management, Bachelor of Science in Business Administrastion Major in Marketing Management, MBA
AMBITION: Noon maliit pa lang ako ay pangarap kong maging vendor ng banana cue.
Jada: Ang tayog no’n. At least, marangal, `di ba? Hindi mo rin ba pinangarap na maging macho dancer?
Exodus: *sighs heavily*
MOTTO: Death ends a life, not a relationship.
Jada: *kamot ulo* Hindi ko naintindihan.
FAVORITES
COLOR: Blue, Violet, Red
HOBBIES: Reading, staring at the blue roses underneath my room which is made of glass.
Jada: Uh-huh. Parang dagat-dagatang roses siya. I saw that when– *itinikom ang bibig*
Exodus: When, what? *evil grin* Bakit hindi mo ituloy?
Jada: Tse!
Exodus: Ngayon ka magdaldal. Hindi ba nakita mo iyon nang–
Jada: Eeehh! *tumili*
Exodus: *grinning mischievously. Reminiscing some moments*
EXPRESSION: None.
Jada: Wala talaga dahil mahilig kang magpanis ng laway. Saka iniipon mo `yon, di ba?
Exodus: *looks at Jada dangerously*
Jada: Sorry na nga, Sir, di ba?
FOOD: I’m not choosy when it comes to food.
Jada: Halimaw ka kasi kumain. Ay, talaga naman! Minsan nga nakita kitang pinapapak `yung lumpia wrapper habang hindi nakatingin si Manang. *humagalpak ng tawa*
Exodus: Shut up, woman. *dangerous tone*
DRINK: Hard drinks, fruit juice
Jada: Especially grape juice.
Exodus: Bakit ang dami mong alam?
Jada: *kibit-balikat. Kunwang inosente*
FRUIT: Plums, prunes, raisins, grapes.
Jada: Parating may nakalagay na maliit na box ng raisins sa bulsa. Parang boyscout, laging may baon. *laughs hard*
Exodus: You better shut your mouth kung ayaw mong mawalan ng trabaho.
Jada: Sabi ko nga po.
VEGETABLE: Talong
Jada: Lalo na `yung sunog na talong.
Exodus: Hindi ka ba talaga titigil?
Jada: Titigil na po. *whispers* Pikon!
BAND: The Carpenters, Goo Goo Dolls
SONGS: You
Jada: *whispers* What? Me?
Paborito mo rin `yung Careless Whisper, di ba?
Exodus: *glares at Jada*
MOVIE: Many to mention.
Jada: Nakita ko sa entertainment room mo `yung mo mga CDs. May pagka-romantic ka pala, ano? Ang mga nandoon kasi ay katula ng The Notebook, A Walk To Remember saka Titanic. *chuckles*
Exodus: Jada, you’re starting to piss me off.
Jada: *parang walang narinig*
SPORT: Soccer, Archery, Horseback Riding
Jada: *whispers* Super gwapo kapag nakasuot ng riding uniform. Pero super duper gwapo kapag walang pang-itaas. Burles king rin `yan. Kaya ang inosente kong mata ay nabinyagan dahil sa kanya.
Exodus: Sinong kausap mo riyan?
Jada: Yung langgam po.
TV SHOW: Hindi ako mahilig manood ng TV.
Jada: Sa live show mahilig `yan.
Exodus: One more and you will be out of this island.
Jada: Wala namang masama sa sinabi ko, ha?
DESCRIBE YOURSELF IN ONE SENTENCE: I’m strict and perfectionist.
Jada: *nodding* Tama. Tama. Lagi mo nga akong pinapagalitan, eh.
Exodus: Because you’re very lousy.
Jada: Hindi, ah. *irap*
Exodus: Kung gano’n, bakit araw-araw nakakabasag ka ng baso?
Jada: *kagat-labi tapos irap ulit*
DESCRIBE YOUR DREAM GIRL:
Exodus: What ‘dream girl’?
Jada: Iyong gusto mong maging girlfriend mo. Iyong gusto mong makatuluyan mo.
Exodus: Skip that question.
Jada: Bakit? Kailangan mong sagutin ito. *ini-adjust ang kwintas na tinatago ang camera*
Exodus: No. Next question.
Jada: Hmp!
HOW WOULD GIRLS DESCRIBE YOU? Smokin’ hot.
Jada: Yeah. Hotheaded pa.
Exodus: *tiningnan ng masama si Jada*
Jada: Oo na. Sige na. Hot ka na.
Exodus: Better. Bakit parang napipilitan ka lang?
Jada: *bumulong* Egoistic but beautiful monster.
Exodus: May binubulong ka na naman.
Jada: Ang sabi ko po, Sir, ang hot n’yo po talaga. Guwapo, matamgkad, malaki at mahaba ang… *tiningnan mula ulo pababa si Exodus*
Exodus: *napataas ang kilay* Malaki at mahaba ang alin?
Jada: Malaki at mahaba ang… biyas mo, Sir.
Exodus: *nodding*
DESCRIBE YOUR DAILY ROUTINE: Horseback riding every morning and work.
Jada: Grabe, ang gwapo niya kapag nakasakay sa kabayo taos walang pang-itaas. Gusto ko na ngang ibenta `yung mga pictures niya. *bumubulong at pasimpleng itinaas ang camera sa mukha*
WHAT ARE SOME WORDS OR PHRASES YOU USE MOST? None.
Jada: Nagpapanis nga ng laway.
Exodus: You better shut your mouth, woman. Or I shut it myself.
Jada: *na-excite pa* Paano kaya?
WHAT IS CRUSH? Crush is just an infatuation.
WHAT IS LOVE? Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It is not rude, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres. Love never fails.
Exodus: It’s from I Corinthians 13:4-8.
Jada: Wow!
WHO IS YOUR CRUSH? Christina Aguilera.
Jada: *kumanta ng Genie In The Bottle*
WHO IS YOUR LOVE? My grandmom.
DO YOU BELIEVE IN LOVE AT FIRST SIGHT? Yes.
WHO’S YOUR FIRST MAJOR CRUSH? Valerie.
Jada: What? The woman who has a heavy pair of jugs? Kaya pala hindi mo pinipigilan kapag lumalapit sa `yo. Ganyan kayong mga lalaki, mahihilig kayo sa ganyang malalaki! *lukot na lukot ang mukha*
Exodus: I’m just kidding. Tinitingnan ko lang kung anong reaksyon mo.
Jada: Bakit? Ano bang reaksyon ko?
Exodus: You’re obviously jealous.
Jada: Of course not! At bakit naman ako magseselos? Kung gusto mo kanyang-kanya ka na.
Exodus: *smirks* Denial.
WHO’S YOUR FIRST LOVE? Work.
WHO’S YOUR FIRST KISS? A girl when I was in pre-school. She stole a kiss from me.
Jada: Yuck! Pati bata binibiktima mo.
Exodus: Siya ang humalik sa akin. And besides, who can resist this gorgeous guy?
Jada: *pouts* Conceited.
Exodus: Hell! Don’t do that!
Jada: Ano na namang ginawa ko? *lalong umusli ang nguso*
Exodus: *umiwas ng tingin* Next question.
WHAT MAKES YOU “KILIG”? Whenever I’m peeing.
Jada: *laughs* Bastos!
Exodus: Sino ba ang naglagay ng tanong na `yan? Sinasagot ko lang naman.
MOST EMBARASSING MOMENT: Noong narinig ni Jada na kumakanta ako habang naliligo.
Jada: *chuckles* Anong nakakahiya ro’n? Ang ganda nga ng boses mo. Parang ginugupit na yero.
Exodus: *inangilan si Jada* Bakit kasi basta-basta kang pumapasok sa bahay?
Jada: Hindi ka kasi nagsasara ng pinto. *pasimpleng in-adjust uli ang camera*
Exodus: Napapansin kong kanina ka pa hindi mapakali sa kwintas mo? Parang kakaiba rin ang itsura niyan. *dumukwang at pilit inabot ang kwintas pagkatapos ay dumilim ang mukha* Bakit may camera ito?
Jada: S-Sir…
May kumatok at bigla na lang pumasok na isang waitress ng bar sa opisina ni Exodus.
Waitress: Santa Maria! *mabilis na lumabas ulit ng silid*
Jada: Teka! *bahagyang itinulak si Exodus na hindi tuminag* Ano ba! Mamaya kung ano ang inisip nun.
Exodus: Then we’ll give her something to think about.
Dinampian ni Exodus ng halik sa labi si Jada na natulala at hindi na namalayang nakuha sa kanya ang kwintas.
Exodus: That’s your punishment. *lumabas ng opisina at iniwan si Jada na nakatulala pa rin*
The Rose Emperors #12: Truly, Madly, Deeply -> SNEAK PEEK
NAGKUKUKOT ang kalooban ni Jada habang naglalakad patungo sa bahay ni Exodus. Kinakagat-kagat niya ang susing hawak niya sa labis na inis na nadarama niya.
“Ito ang duplicate key. Pumunta ka na lang doon at pag-igihan mo ang paglilinis. Ayokong may makikitang kahit isang alikabok roon, maliwanag?” Wala siyang nagawa kundi ang tumango kahit nais na niya itong sipain sa mukha. Nag-aalala rin siyang baka masira ang mukha nito. Sayang ang lahi. May balak pa naman siyang pikutin ito. “Aalis ako kinabukasan kaya hindi mo na ako maaabutan roon. Is that clear?”
“Clear, my lord,” sarkastikong sagot niya.
Iyon ang bilin nito. Bukod sa pang-aalila nito sa kanya bilang waitress ng pag-aaring bar nito ay ginawa pa siyang chimimay nito!
“Kasalanan mo naman kasing babae ka!” paninisi niya sa sarili. Nais niyang batukan ang sarili. Dahil sa animo may nanang mga kamay niya ay nakabasag siya ng isang set ng mga baso sa bar nito. “Nakakainis! Nakakainis!”
Napapatingin tuloy sa kanya ang mga taong nadaraanan niya. Baka akalaing nababaliw na siya kaya inayos niya ang kanyang sarili.
Nang makarating siya sa bahay ni Exodus ay pumasok kaagad siya sa bauran. Napanganga siya sa maraming bundok ng tuyong dahon roon.
“Dios ko, tulungan Ninyo akong huwag magkasala dahil ibibitin ko talaga ng patiwarik ang gwapong nilalang Ninyong iyon.” Tumingin pa siya sa langit at pinagsalikop ang mga kamay niya.
Pagkatapos niyang humingi ng kapatawaran sa Itaas ay naglakad na siya papunta sa porch at sinusian na ang pinto. Nang buksan niya iyon ay nais na niyang maglupasay sa sahig. Paano ba naman ay nagkalat ang mga damit sa paligid? Pati ang mga kurtina ay tila sadyang ikinalat roon. Aabutin yata siya ng hatinggabi sa paglilinis roon.
Kaysa magreklamo nang magreklamo ay pinulot na lamang niya iyon at inilagay sa basket. Pumanhik siya sa second floor at doon ay may nakakalat pa ring mga damit. Marahas na napabuntong-hininga siya.
Isa-isa niyang pinuntahan ang mga silid. Wala yatang katapusan ang nagkalat na mga damit. Mukha namang malinis ang mga damit. Talaga lamang nananadya ang hudyo.
Nagtungo siya sa huling silid na nasa dulo ng hallway. Nakaawang ang pinto kaya diretso na siyang pumasok roon.
Halos hindi siya kumukurap habang tinitingnan ang kagandahan ng silid. Yari iyon sa salamit at kitang-kita mula roon ang kagandahan ng ilang bahagi ng isla. Yumuko siya. Pati ang sahig ay yari sa salamin. Ang lalong nagpamangha sa kanya ay ang mga rosas na natatanaw sa ilalim niyon. Kulay-asul ang ma iyon. Tila nakaapak siya sa tubig.
“Get back to work, Jada.” Mahinang tinampal niya ang mga pisngi niya. Wala namang kalat roon. Luminga-linga siya at nakita niyang may isa pang pinto roon.
Banyo siguro. Yari rin kaya sa salamin? Paano kapag naliligo siya?
Napahagikgik siya. Maglalakad na sana siya papunta roon nang lumabas mula sa loob ng banyo ang lalaking laman ng mga pangarap niya. Kahit na ito na yata ang pinakamasamang tao sa lugar na iyon.
Itinakip niya ang kanyang kamay sa mga mata niya ngunit may nakaawang pa rin para makita niya ito. Why, he’s only wearing his birthday suit!
Nais niya yatang mahimatay sa nakahain sa harapan niya. Ang tapang naman nitong iparada ang katawan nito gayong yari sa salamin ang silid nito at maaaring makita ito ng mga tao sa ganoong ayos!
Hindi niya maiwasang pagmasdan ang katawan nitong tila nililok ng isang iskultor. Halimbawa ito ng mga tinatawag na work of art. Bumaba ang tingin niya.
Napalunok siya ng ilang beses. Ganoon pala ang itsura no’n. Hindi kaaya-aya sa paningin ngunit sadyang nakakapukaw ng atensyon. Ngayon lang siya nakakita ng ganoon sa tanang buhay niya. Kahit noong naaksidente siya ay hindi naman niya maalala ang itsura no’n.
Matikas at makisig rin iyon katulad ng nagmamay-ari niyon…
”Like what you’re seeing, huh?” Nginisihan siya nito. Inilagay pa nito ang dalawang kamay sa baywang nito. Tila hindi nahihiya sa kahubdan nito. Siya naman ay ramdam ang pag-iinit ng mukha hanggang sa leeg niya.
Tumalikod siya rito. “Hindi! Ang pangit kaya ng itsura!”
“Ang itsurang ito ang nagpapaligaya sa maraming kababaihan.”
Umakyat yata lahat ng dugo sa ulo niya. “Ang yabang mo! Ang bastos mo pa!”
“Hindi ba’t ikaw ang bastos at basta-basta ka na lang pumapasok rito? Bakit ayaw mo pang aminin na gusto mo naman ang nakikita mo? Come on, libre naman.”
Tumili siya at inihagis rito ang basket na may lamang mga damit. Nakailag ito. “Pervert!”
“Ako pa ang pervert? Eh, ikaw itong ayaw tigilan ang mga titig sa akin. Kung nababastusan ka pala, bakit hanggang ngayon naririto ka?” Abot-tainga na yata ang pagkakangisi nito.
Lumabas siya ng kwarto nito at diretsong lumayas sa bahay nito nang hindi napuputol ang pagtili niya. Pahiyang-pahiya siya. Ganoon ang resulta ng kuryosidad niya.
“Uuwi na ko sa amin! Magre-resign na talaga ako!” pasigaw na sabi niya habang naglalakad palayo sa bahay nito.
Coming Soon…
=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=
Help our campaign to publish our stories here in soeursbelle by purchasing our Premium E-Pocketbooks. Click here for more details.








==============================================================
Share on Facebook

Reader’s Comments