«

»

Jan
07

The Rose Emperors Series IX – Maybe It’s You by Zaira King

TEASER

Gossips, Intrigues, Issues and Scandals – iyan ang mga ikinabubuhay ni Zerah, isang batikan at matinik na Paparazzi.

At kung may pinakapaborito siyang gawan ng kwento, ang The Rose Emperors (TRE) iyon.

Sa lahat ng miyembro ng TRE, pinaka-gusto niyang hanapan ng kasiraan si Gilbert. Wala siyang pinapalampas na chismis, intriga, isyu at iskandalo basta si Gilbert ang kasangkot.

Nang masagap niya ang balitang engaged na ang lalaki at malapit nang ikasal, kumulo ang dugo niya! Hindi siya makakapayag na maging maligaya ang lalaking nanakit sa puso niya maraming taon na ang nakakaraan.

Tatlo lang ang dahilan kung bakit siya nagpanggap na lalaki at pumasok bilang Zero, driver ng “greatest playboy of all time”. Una, ang sirain ang relasyon ng lalaki sa perfect fiancee nito. Pangalawa, ang i-expose sa buong Pilipinas ang tunay na kulay ng tinitingalang bachelor. At pangatlo, ang patunayan sa sarili na napalitan na ng galit ang pagmamahal niya para dito.

Pero paano kung ang “juiciest scoop” na mahalungkat niya habang lalong napapalapit sa lalaki ay ang lihim na matagal nang itinatago ng sarili niyang puso sa kanya?

SNEAK PEEK

“Zera, sigurado ka ba sa gagawin natin? Huwag nalang kanay nating ituloy.” Pabulong at natatarantang pakiusap ni Novs na kapwa kolumnista ni Zera.

“Ssssshhh,” saway ng dalaga. “Huwag kayong maingay.” Tumingala si Zera sa balkonahe ng mansyon na pinasok nila. Mula sa pinagtataguan nilag halamanan sa ilalim ng balkonahe ay kitang-kita ni Zera na wala nang ilaw sa kwartong balak niyang pasukin – patunay na tulog na ang okupante niyon.

Bumaling siya sa kanyang mga kasama. “Jecka, Porsh kunin ninyo yung hagdan.” Inginuso ng dalaga ang hagdan na noong nakaraang araw pa niya ipinuwesto sa gilid ng garden. Patakbong tumalima ang mga kaibigan ng dalaga. Magkakatuwang nilang isinandal ang hagdan sa balkonahe.

“Hawakan ninyong maigi,” utos ni Zera bago umakyat sa hagdan. “Huwag kayong maingay, hintayin lang ninyo ako dito,” bilin niya.

“Go for the gold fwend!” si Jecka.

Halatang sanay na sanay na si Zera sa ginagawa niya. At pansin na pansin ng mga kaibigan na masyado nang pamilyar ang dalagang paparazzi sa bahay ni Briar, isa sa mga miyembro ng The Rose Emperors. Isa si Zera sa mga matitinik na paparazzi ng “TRASH MAGAZINE”, na walang ibang layunin kundi usisain ang personal na buhay ng mga sikat. At speaking of sikat, wala na yatang mas sisikat pa sa mga miyembro ng The Rose Emperors. At malas lang ni Gilbert Briar Contreras, siya ang pinakapaboritong topic ni Zera.

“Makakaasa na naman ang mga readers natin ng juiciest gossips bukas mula kay Miss Quick Brown Fox,” bumungisngis si  Porsh, editor ng Trash habang iniisip ang magiging laman ng pinaka sikat na column ng naturang magazine – Dirty Little Secrets!

Naiimagine na nila kung paanong pag-uusapan na naman ang kanilang magazine lalo pa at ang isa sa pinakasikat na bachelor ng Pilipinas ang gagawan nila ng column.

“Patay ka ngayon kay Miss Quick Brown Fox, Gwapito!” nailing si Jecka habang tumatawa.

“Sssssshhhh!  ‘Wag kang maingay, alam mo namang ayaw na ayaw ni Zera na naririnig ‘yan,” saway ni Novs sa kaibigan.

Samantala, walang kahirap-hirap na nakapasok si Zera sa kwarto ni Briar. Pagkapasok sa kwarto ay hindi muna siya kumilos, nakikiramdam, sinasanay ang mga mata sa kadiliman ng kwarto. Ilang sandali pa, nang masigurado niyang tulog na ang lalaki ay kinuha niya ang kanyang penlight pagkatapos ay nag-umpisa na sa pakay niya. Hinalughog niya ang bawat sulok ng kwarto, naghahanap na kahit na anong pwedeng gamitin laban sa lalaki. Hanggang sa makalapit na siya sa kama ng lalaki. Pinakatitigan niyang maigi ang nahihimbing na lalaki, sumulak ang kumukulo niyang dugo.

“Paano pa kaya nakakatulog itong hinayupak na ‘toh. Kapag wala nga naman talagang kunsensya!” Natigilan siya. Hindi man niya kagustuhan, hindi niya mapigil na humanga sa lalaki. “Shet, in fairness gwapo si kumag. Gwapo ka pa rin Gwapito – hayup ka, mamatay ka na sana!”

Pinigilan niya ang sarili na damputin ang isa sa mga unan at takpan ang mukha ng lalaking kinaiinisan. Mas malaking pagpipigil din ang ginawa niya para huwag pisilin ang nakakagigil na siksik sa muscle na braso at balikat ng lalaki. Nakabalot ng kumot ang katawan ng lalaking nakadantay sa unan at nakadapa.

Tanging ang balikat at braso lamang nito ang natatanaw ni Zera, pero kahit doon palang, waging-wagi na siya – kanina nalang ang kulang!

“Tsk!” naasar siya sa sarili niya. Tama bang humanga siya sa kakisigan at kagwapuhan ng lalaking wala siyang ibang hangad kundi ang sirain. Akmang tatalikod na sana siya at magpapatuloy sa paghahalungkat nang biglang maramdaman niya ang mahigpit na hawak ng lalaki sa pulsuhan niya.

“Huli ka, Miss Paparazzi.”

Narinig niyang winika ng lalaki. Pagkatapos ay bigla siyang hinila nito pahiga. Wala siyang nagawa kundi ang bumagsak sa kama. Pigil hininga at pikit ang mga mata – tumindi ang kabog ng dibdib niya at tumulay sa buong katawan niya ang isang kakaibang sensasyon nang bigla siyang yakapin at dantayan ng lalaki.

Tinakpan niya ang sariling bibig upang pigilan ang sarili sa pagsigaw. Sa wakas ay binuksan niya ang mga mata niya. Mula sa kakarampot na liwanag na nanggagaling sa labas ay nakita niya ang kagwapuhan ng lalaki na ngayon ay ka-face to face niya. Pero, napakurap-kurap ang dalaga. Nakapikit ang lalaki – at naghihilik. Nakahinga siya ng maluwag. Dahan-dahan niyang inialis ang pagkakayakap ng lalaki sa kanya. Pagkatapos niyon ay inabot naman niya ang kamay niya upang itulak palayo ang binti ng lalaki.

Ngunit nagkamali siya ng tantsa, dahil sa imbes na ang binti ng lalaki ang maabot niya, ang hinaharap nito ang nakapa niya. Medyo nagtagal pa bago niya narealize kung ano ang hinahawakan niya. Ramdam na ramdam niya sa kanyang palad ang bagay na iyon  bago siya napaigtad at gumulong na pabagsak sa sahig.

“Shet! Shet!” bulong-sigaw niya. “Naka-briefs lang siya! Shet!” Napitlag siya nang marinig niyang umuga ang kama. Bigla ring sumindi ang ilaw ng kwarto. Kaagad siyang sumuot sa ilalim ng kama, kabadong kabado, habang damang-dama pa rin sa kamay niya ang hugis ng bagay na hawak-hawak niya kanina.

“Shet!” isa pang kastigo niya sa sarili. Nakita niyang bumaba sa sahig ang mga paa ng lalaki. Matagal na nakatayo lang ito, nakatigil sa may harapan niya bago nakita niyang naglakad palapit sa bathroom. Narinig niyang bumukas ang shower. Sinamantala naman niya ang pagkakataong iyon para tumakas.

Kaagad siyang lumabas mula sa pinagtataguan niya. Nasa may balcony na siya nang marinig niya ang pagbukas ng pinto ng bathroom. Napalingon siya. Sabay na nanlaki ang mga mata nila ng lalaki. Kapwa sila nagulat sa imahe na nasa harap nila. Hindi alam ni Zera kung anong gagawin niya. Kitang-kita niya ang hubad na katawan ng lalaki habang inaabot nito ang isang towel. Ang lalaki naman ay nakapako rin sa kinatatayuan habang nakatitig sa kanya.

“Huwag kang lalapit!” pigil ni Zera nang makita niyang sa wakas ay nagtapis na ang lalaki at papalapit sa kanya.

“Huwag kang lalapit!” ulit niya. Sa kamalasan ay nadulas siya pagkatapos ay bumagsak sa garden sa ibaba. Hindi niya ininda ang sakit ng pagkabagsak niya sa mga halaman. Kaagad siyang tumayo at hinila ang mga kaibigan palayo sa lugar na iyon.

=~=~=~=~=~=~=~=~=~=~=

This story is incomplete but you can PREVIEW the completed chapters by participating in our Chat and Greet. Drop your ‘hi/hello’ addressed to your favorite author in our CHATBOX or in our ONGOING Chat and Greet Thread and your account will be upgraded so you can open the completed chapters. What are you waiting for? Chat and Greet with your favorite author now!

Read the story here.

Share on Facebook

10 comments

  1. nicholassir says:

    kaabang abang nah story sana mbsa qoh ito

  2. hotlavahpie says:

    Wow i like this

  3. Jazmiine says:

    like it

  4. richqtoh says:

    Im sure mganda ang story nah toh……

  5. Jenny says:

    Love it ha2bol ako he2

  6. joyniscel says:

    Wow ang gnda…sna maupgrade n account q.,huhuhu

  7. Photz says:

    Wooowww nice,,,;)

  8. mhel says:

    thank you po ng mdami s inyo

  9. Poisonheart says:

    ayieeehhh!nahanp din kita.hehehehe

  10. Poisonheart says:

    Basa mode na…

    Sulutin ang 24hrs.walang tulugan.hehe

Your email address will not be published.

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Content Protected Using Blog Protector By: PcDrome.

Password Reset

Please enter your e-mail address. You will receive a new password via e-mail.