«

»

Jan
07

The Rose Emperors Series XIII – No Matter What by Shandy Yuan

Teaser:

                Kiefer Sly Razeaniea was the adventurous type among the three brothers. Kahit na ba busy ito sa pamamahala ng negosyo for some reasons maisisingit pa nito ang first love raw umano nito… extreme sports.  From a simple mountain trekking and spelunking or caving to the very extreme like base jumping, body boarding, cliff jumping, ice or rock climbing, hangliding, paragliding… you named at walang inaattrasan si Sly. Dumarayo pa ito sa malalayong lugar just to satisfied himself from his thirst for adventure. Minsan pa nga naisipan nitong iscale ang isang water falls na nadistrubrihan ng walang safety gears. Ganoon siya kauhaw. Tutol ang ina nito sa nakahiligang sport. Aside sa mapanganib, mas natutuunan pa nito ng pansin ang pagpapakamatay kaysa sa makipagdate at humanap ng babaeng matatawag na girlfriend.

                Tahimik at payak na pamumuhay naman ang nakalakhan ni Mahalia Suganog. Kabilang ito at ang pamilya nito sa mga indigenous people o mga native lumads ng Mindanao. She was a Subanen na ang kinalakhang tribu ay mahigpit na sumusunod sa tradisyon. Dahil na rin sa Timu-ay (Chieftain), ito ang tipong makatradisyon at kung ano ang batas iyon na ang dapat sundin. But Mahal wanted to explore the world. Ayaw nitong mabuhay at mamatay lang sa bundok gaya ng ng nangyari sa iba nilang kasamahan. Kaya naman when a missionary group offered her a scholarship she immediately grabbed the opportunity of studying in the lowlands. It was one step closer nga naman of her dream to become a doctor. Gusto nito makasagip ng buhay lalong lalo na ang buhay ng mga kasamahan nito sa tribo.

                Things went well sa buhay ng dalawang taong magkaiba ng mundo not until their worlds met in a very compromising situation and instantly naging masamang bangungot sila sa para isa’t isa. Naging napakagulo at naging komplikado ang noong sanang tahimik at simpleng mundo ng dalawa. May pag- iibigan kayang uusbong sa pagitan ng isang mayaman at isang simpleng Subanen? O tanging poot lang para sa isa’t isa ang kanilang maibibigay.

Sneak Peek:

‘Sly…’ he didn’t answer whoever was calling him. Wala nga naman tumatawag sa kanya ng ‘Sly’. Babae ang nagmamay- ari na boses at kung hindi siya nagkakamali nasa malapit lang ito. ‘Sly… Sly gising,’ malumanay na sabi ng boses it was as if the owner of the voice really care about him.  Medyo may bahid na ng pag- alala at pagkaalarma ang boses nito. Hindi niya mapigilang mapangiti. Ang ganda kasi ng boses na tumatawag sa kanya, mahinhin ngunit para bang naaakit siya. ‘Sly magkakasakit ka niyan. Gumising ka na.’

Involuntarily he followed her firm order. He slowly opened his eyes and braced himself for what might happen. But when he opened his eyes and everything around him registered in his mind he felt a little bit disappointed. Nakasandal pa rin siya sa malaking katawan ng puno ng balete, medyo madilim na ang paligid, bahagya paring umuulan at basa na rin lahat sa kanya pero wala siyang nakitang babae.

‘That was weird,’ naiiling na sabi niya sa sarili. Wala naman siyang nakapang takot pero nahihiwagaan lang siya sa nangyari. ‘Naghahallucinate na ako.’ He was about to stand up but something caught his attention. Just ahead of him, about a hundred meters or so, he saw a flicked of light. Mataman niya itong tinitigan at sigurado siyang hindi lang siya namamalikmata. May kubo sa unahan niya.

Shelter! Warm and cozy shelter with food, sa naisip niya nagkukumahog siyang tumayo. Hindi na niya napansin ang pananakit ng kanyang paa at balikat ang importante lang sa kanya ng oras na iyon ay marating ang naturang kubo, makakain at makapagpahinga.

It took him surprisingly ten minutes before he managed to reach the hunt. Maliit at payak lang ang naturang kubo. Ang bubong nito ay yari sa nipa na pinagtagpi tagi. Ang dingding naman ng bahay ay para lang dinikitan ng isang malaki, mahaba at matibay na banig, ngunit yari sa kawayan. The local residents in the baryo called it amakan. Yari rin sa kawayan ang sahig ng naturang kubo.

Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, hindi siya kumatok agad. Instead sumilip siya sa nakabukas na bintana na may ilang lakad lang mula sa pinto para lang makasigurong may tao nga sa loob ng bahay kubo na iyon. He instantly froze as he had a glimpse of the hunt’s occupant.

Isang babae ang nakatulog na nangulangbaba sa mesa na nakaupo ‘di kalayuan sa binata. Nagkalat sa mesa ang apat na makakapal na libro, papel, ballpen at mga highlighter. Agad nakuha ng kanyang atensyon ang mukha nito. Napakaamong kasi ng mukha nito na para bang hindi kayang magsungit at magalit. At kung pakatitignan niyang mabuti para itong isang anghel na payapang natutulog kahit halatang hindi ito komportable sa ayos nito at panaka naka ng gumagalaw ang ulo nito na para bang naghehead bang.

Mayamaya pa bigla nalang dumulas ang kamay nitong ginawang unan at agad na tumama ang ulo sa mesa. Nagkukumahog naman nagkubli si Kiefer sa takot na makita siya ng dalaga.

Agay…’ narinig niyang unggol nito. ‘Aray.’ Dahan dahan niyang sinilip ang dalaga. Nakita niyang kinamot nito ang napinsalang noo, naghikab, nag- unat at nagpaikot ikot ng lakad sa maliit ng salas. Maingat naman naglakad si Kiefer sa may pinto. Kakatokin na sana niya ang dalaga para makahingi ng tulong ngunit bigla siyang natigilan nang may narinig na kumakanta mula sa loob ng kubo. Napakalamig ng boses nito at kahit hindi pa niya maintindihan ang lyrics ng kanta, may nag- uudyok sa kanyang pakinggan ito at damhin ang bawat katagang binigkas nito. Para rin pinapawi ng boses nito ang pagod na kanina pa n’ya nararamdaman.

Nanghihinang umupo siya sa paanan ng pinto. Tatapusin muna niya ang kanta nito. Kampanteng sumandal siya sa pinto ngunit bigla itong bumukas at sa kawayang kahoy ang bagsak niya. Malakas na napaungol si Kiefer nang maramdaman ang muling pagsakit ng kanyang balikat.

Agad siyang dinaluhan ng dalaga at tinulungan na makaupo sa sahig. ‘Oy!’ Pasimpleng hinaplos nito ang kanyang pisnge at nagsalita ng mabilis. Hindi niya maintindiihan ang mga sinasabi nito kaya he just stared straight at her hazel brown eyes. Sa pagkataranta ng dalaga nasagi nito ang kanyang kanang balikat.

‘Shit!’ malakas niyang sabi sabay tulak sa dalaga. Huli na nang mapagtanto niya ang ginawa. ‘I-I’m sorry. Nahulog ako kanina. Mukhang napasama ang bagsak ko kaya…’ nahihiyang nag- iwas siya ng tingin.

Umayos ito upo at matamang tinitigan ang kanyang balikat. ‘Patan-awa,’ umiling ito. ‘Patingin ako,’ sabi nito sabay turo sa kanyang balikat. But she didn’t wait for his answer. Lumapit ito sa at umupo sa harapan niya. ‘Hubo,’ muli umiling na naman ito at napakunot ang noo. ‘H-Hubarin mo imo t-shirt.’

‘Te-Teka lang Miss-’

Kalaw-ay nimo oy! Gusto ko lang tignan iyang balikat mo. Baka makatulong ako sa’yo.’

Lihim na napangiti si Kiefer. Halata kasi ang puntong bisaya nito. ‘I would love to be half naked in front of a woman in this secluded place but I’m a gentleman so hindi ako maghuhubad sa harapan mo.’

‘Bahal ka nga sa imo buhay,’ sabi nito sabay sundot sa kanyang balikat. Agad naman siyang napahiyaw sa sobrang sakit. Tumayo ito at naghalukipkip sa harapan niya. ‘You can leave now,’ nakataas kilay nitong sabi.

‘What the- hey!’ pigil niya sa dalaga nang magtangka itong talikuran siya. Huminto naman ito, hinarap siya and threw him a bored look. ‘Fine,’ he finally said with a sigh. ‘You can have a look but hindi ko mahubad ang t- shirt ko.’

Tipid itong ngumiti, inabot ang gunting na nasa mesa at bumalik sa pagkakaupo sa kanyang harapan. Walang salitang sinimulan nitong ginupit ang damit. Mayamaya nahubaran sa siya nito at mataman nitong inispeksyon ang kanyang balikat.

‘You dislocated your shoulder,’ simpleng sabi nito. ‘Kabalo-’ napangiwi ito. ‘Marunong akong… I-I can fix it-’

‘Please,’ nagmamakaawang sabi niya.

Tumango naman ang dalaga at lumapit pa lalo sa kanya. She took a deep breath before she placed her hands on his shoulder. ‘Ah… just a warning, first time kong gawin ito at  masakit ito dong,’ she warned him while quickly but carefully forced the bone back to the socket.

Hindi na nakapagreak si Kiefer sa sinabi ng dalaga, ni hindi na niya naramdaman ang sakit. Basta nalang siyang nanlamig at dumilim ang paningin.

Nabuwal si Mahal sa pagkakaupo at nahiga patihaya sa sahig. ‘Ay bayot!’ Nanlalaki ang mga mata nitong napasulyap sa nahimatay na estranghero. Nasa balikat nito nakahilig ang ulo ng lalaki. ‘Argh! Hoy dong! Mata- gi-gising!’ tahimik na napamura ito. ‘Kinakalawang na ang tagalog ko! Hoy!’ kinurot pa nito ang pisnge ng lalaki. ‘Ano ba! Ang bigat mo kaya hindi na ako makahinga.’ Kinurot na naman nito ang pisnge at ilong ng binata.

Ilang sandal pa ay naramdaman na ni Kiefer ang mga kurot ng dalaga sa kanya. Pero wala siyang sapat na lakas para tumayo sa pagkakadagan niya sa dalaga. Napaunggol siya nang maramdamang bahagya ng sumasakit ang mga kurot nito. He wrapped his unharmed hand to her waist and buried his face to the crook of her neck. To his surprise, he felt good.

‘Hoy… ’ pabulong na sabi nito. ‘Gising-’

‘MAHALIA!’

SLUMBOOK

Kiefer raised a brow as he stared at the little note his sister wrote for him. Kuya K, I want you to answer everything inside this little notebook. It’s a matter of life and death. May kalokohan na naman naiisip ang kanilang prinsesa. Naiiling na kinuha niya ang notebook at nagtungo sa coffee shop.

Kiefer: Hi Mahal ko. Share tayo ng table ha. Wala na kasing vacant. Don’t mind me here nalang. Continue reading your book.

Complete Name: Kiefer Sly Razeaniea *Bahagyang malakas niyang sabi sabay sulat sa slumbook*

NickName: Kiefer pero kay Mahal ko Sly kay Sly nalang

Mahal: Anong kalokohan ba ‘yan?

Kiefer: Slumbook. Pinapasagutan ni Nezz sa akin. So…

Age: 21, di joke! 25 sabi ng ibang girls. *tumingin kay Mahal* Hmpf! Hindi man lang nagreact ang isa d’yan. Okay fine 31!

Height:  6’1

Weight: ahhh… *pasimpleng sinulyapan ang kaharap* Mahal ko-

Mahal: Don’t talk to me.

Kiefer: Suplada!

Birth Place: Makati City

Occupation: the willing slave of Mahalia.  Hindi pa rin ba magrereact ang isa d’yan?

Mahal: *nagtaas ng kilay*

Educational Attainment: College Graduate

Course: Business Management

Occupation: Owner and CEO of Rose Communications

Ambition: *staring at Mahal*

Mahal: Anong tinitingan mo d’yan?

Kiefer: Ikaw kasi ambisyon ko eh.

Mahal: Bakit ba ako ang kinukulit mo ngayon?

Kiefer: Bakit ang suplada mo ngayon?

Mahal: *umirap* lumipat ka nga ng mesa. Hindi naman puno ang coffee shop ah. Alis! Tigilan mo na ako.

Kiefer: Ayoko nga.

Motto:  Kahit ipagtabuyan at hindi ka kilalanin suyuin pa rin.

Mahal: *umiiling* Wala ka na talagang pag- asa Sly.

Kiefer: I like it when you address me like that. 

Describe yourself in one sentence: Guwapo, simpatiko, mabait, mapagbigay, mayaman,-

Mahal: Mayabang…

Kiefer: *winked at her* at wagas kung magmahal sa taong pinili ng puso.

Describe your dream girl: Malumanay kung magsalita at kumilos, maganda ang boses lalo kapag kumakanta, sing puti ng singkamas ang balat, wavy ang buhok na medyo may pagka brown, may hazel brown na mata, simple, magaling magbisaya, matalino at higit sa lahat, Subanen.

Mahal: Tsk…

How would girls describe you? How would girls describe me eh? Siyempre-

Mahal: As I said earlier mayabang, weird, trip ilagay sa panganib ang buhay-

Kiefer: So nag- aalala ka sa akin. Ang sweet naman ng Mahal ko-

Mahal: Annoying, irritating, parang kabuteng sumusulpot sulpot at lastly super duper kulit na ewan ko ba kung bakit parang ako lang ang kinukilit.

Kiefer: Sa’yo lang lumalabas ang kakulitan ko. Nagpapapansin lang naman eh.

Mahal: *nagtaas ng kilay* KSP!

Describe your daily routine: Dati office, bahay at sports pero ngayon office, ospital, coffee shop, ospital *nagkamot ng ulo sabay tingin kay mahal* Mahal ko ano nga tawag doon sa-

Mahal: At bakit?

Kiefer: Tsk… Ah basta kung saan si Mahal ko nakasunod ako.

Mahal: Anong ‘nakasunod ako’? Get a life Sly and leave me alone.

Kiefer: Hindi puwede Mahal ko eh. Ikaw na kasi ang buhay ko.

What are some words or phrases you use most? Mahal ko 

Favorites 

Color: Hmmm… Mahal ko, diba Lavender at Blue favorite color mo?

Mahal: *nakataas ang kilay* and so?

Kiefer: Ang ganda mo talaga.

Hobbies: stared at my lovely Mahal ko’s face

Expression: Expression… Ano nga ba iyong parati mong sinasabi sa bisaya Mahal ko?

Mahal: Get lost? Or Leave me alone?

Kiefer: Bisaya Mahal ko. Bisaya! Hindi English.

Food: Mahal ko, ano nga iyong tawag sa food na ipinakain mo sa akin noon?

Mahal: alin iyong Kamoteng kahoy at Colo?

Kiefer: Oo iyon na nga. *nagsulat*

Drink: Tubig kasi healthy leaving ang ipinopromote ni Mahal ko

Fruit: Saging

Mahal: Nagpapahalatang unggoy

Kiefer: Ako lang ang nag- iisang unggoy na nagmamahal ng Subanen

Mahal: Tsk…

Vegetable: Mahal ko-

Mahal: Bakit ba ‘Mahal ko’ ka ng ‘Mahal ko’ sa akin ha? Mahalia… Mahal… iyon lang ang pangalan ko.

Kiefer: Eh sa mahal ko si Mahalia kaya Mahal ko.

Mahal: Ang OA!

Band: Anong-

Mahal: Wala!

Songs: Eh songs-

Mahal: Wala!

Kiefer: Ito! Ang KJ mo.

Movie: How to Train your Dragon *nagtaas ng tingin* tama ako Mahal ko ‘no? Sport: Nah…  nakalimutan ko na iyan simula ng mawala ako sa gubat ng Mindanao TV Show: House 

Personal Questions

What is crush? Crush is when I crush landed sa kawayang sahig ng bahay kubo ni Mahal ko.

Mahal: Malala ka na! *nagpipigil ngumiti*

What is love?  Mahal ko. Especially when she started singing that song that one certain night.

Mahal: At anong kanta?

Kiefer: ‘Oy, interesado oh…

Who is your crush? Ahem… Ahem… Ahem…

Who is your love?  Aheeeem…

Mahal: Makating lalamunan mo? You want Bactidol?

Kiefer: Iisa lang naman ang crush at love ko eh. Subanen nga siya at pangalan niya eh-

Mahal: *malakas na sinirado ang makapal na librong binabasa* hep!

Kiefer: Mahal ko…

Mahal: Ewan ko sayo. Matawagan nga si Vix nang tumino ka.

Kiefer: *natatawang inagaw ang telepono* Busy iyon sa boss niya.

Do you believe in love at first sight? Of course!

Who’s your first major crush? Nasa harapan ko

Who’s your first love? EXTREME SPORTS… pero dati iyon ngayon… pangalan pa lang niya, MAHAL KO na.

Who’s your first kiss? Naku ‘wag na baka mabugbog ako- aray! Mahal ko naman…

What makes you “kilig”? Kapag kinantahan ako ni Mahal ko

Most embarassing moment:  Hindi uso sa akin yan!

Mahal: *tumayo at kinuha ang mga libro* Ang yabang. D’yan ka na nga.

Kiefer: I LOVE YOU MAHALIA!!

=~=~=~=~=~=~=~=~=~=~=

This story is incomplete but you can PREVIEW the completed chapters by participating in our Chat and Greet. Drop your ‘hi/hello’ addressed to your favorite author in our CHATBOX or in our ONGOING Chat and Greet Thread and your account will be upgraded so you can open the completed chapters. What are you waiting for? Chat and Greet with your favorite author now!

Read the story here.

Share on Facebook

2 comments

  1. joyniscel says:

    Nakz I luv it…bsya version…hehehe

  2. Khanelyne says:

    Oi, taga amoa ni bisaya…
    Super ganda po,…. Happy anniversary ulit…..

Your email address will not be published.

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Content Protected Using Blog Protector By: PcDrome.

Password Reset

Please enter your e-mail address. You will receive a new password via e-mail.