«

»

Jan
07

The Rose Emperors Series X – Mesmerized by a Fairy by Sunpriestess

TEASER

Ordinaryong tao lang si Vixen Llanes ngunit ang pananaw ng mga tao sa kanya ay kakaiba. She was a loner, a strict and a serious person. Nangingilag ang mga tao sa paligid niya dahil hindi alam ng mga ito kung ngingiti o mangangagat ang dalaga kapag nakaharap nila ito. Pero pagdating naman sa trabaho ay mahusay at magaling ito kaya madami ang naiinggit dito kahit na may pagkarebelde ito kung minsan.

Si Zinger Razeaniea ay isa sa mga bachelors ng The Rose Emperors. Tinitingala at pinapangarap ng lahat ng kababaihan dahil sa estado nito sa buhay at sa angking kagwapuhan. Pero ang binata ay mailap at walang ibang mahalaga sa kanyang buhay kundi ang trabaho, ang pamilya at ang kanyang nag-iisang kapatid na babae na si Carnation.

                Matagal ng napapansin ni Zinger ang kakaibang attitude ni Vixen. Mahusay nga itong magtrabaho pero may pagkamoody ito at may pagkarebelde. Hindi niya maintindihan kung ano ba ang nilalaman ng isip ng dalaga. Kinakausap naman niya ito personally kapag may nakikita siyang problema pero wala itong imik, nakikinig lang at minsan lang magsalita kapag nangangatwiran o kaya kapag may ideya. In short, hindi niya gusto ang ugali ng dalaga.

                Everything change when Carnation comes out from the scene. Bigla na lang itong naging malapit kay Vixen na naging dahilan para makarating ang dalaga sa El Bonita Rosa. Nagulat si Zinger ng malaman na  ang dalaga ay nasa kanilang secret get-away kaya hinanap niya ito para mapaalis sa kanilang isla. Pero paano pa niya mapapaalis ang dalaga kung agad tumibok ang kanyang puso ng mga sandaling humarap ito sa kanya? Parang naligaw na diwata ang dalaga sa kanilang isla at ayaw na niya itong pakawalan pa. Ano ang kanyang gagawin para hindi ito makawala sa kanya?

SNEAK PEEK

                “Ano po bang problema nyo boss? Di ko po kayo maintindihan! Bakit ba ayaw nyo akong paalisin sa islang ito?” singhal ni Vixen sa kanyang boss.

                Paano mo pipigilan ang pusong natutong umibig? Pilitin man itong itanggi sa isip kinikilala naman ito ng puso. Hindi maiiwasan, kusa itong lumalabas dahil puso na mismo ang nagdidikta.

                “Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ako nagkakaganito? Ano bang meron ang babaeng iyon para magkaganito ako? Please! Umalis ka na sa isip ko! Dahil di ko na gusto ang nararamdaman ko!” asar na sambit ni Zinger sa kanyang sarili habang sinasabunot ang sariling buhok.

                Paano mo mapapaibig ang isang babaeng kakaiba sa lahat? Ano ang dapat mong gawin para di siya malayo sa iyo? Hanggang saan ang kaya mong gawin para lang suklian niya ang pag-ibig na nadarama mo?

                “Ano boss? Magsalita naman kayo! Huwag ninyo akong  titigan lang dahil hindi ako manghuhula para mabasa ang iniisip niyo!” inis na saad ni Vixen saka naglakad papunta sa may pintuan para iwanan ang lalakeng nagpapahirap sa kanya. Nagulat na lamang siya ng pigilan ng kanang kamay ni Zinger ang kanyang kamay sa pagpihit ng seradura ng pinto.

                “Saan ka pupunta?” matigas na tanong ni Zinger.

                “Tatakasan kayo! Ang gulo niyo kasi boss!” galit na sabi ni Vixen sa binata.

                “Hindi ka aalis! Dito ka lang! Di mo ako iiwan” wika naman ng binata.

                “Argh! Kainis na kayo!” sigaw ni Vixen saka nagpumilit na buksan ang pinto ngunit di siya hinayaan ng lalake na magtagumpay.

                “I won’t let you get away from me!” matigas na sabi ni Zinger saka iniharap ang dalaga at hinalikan ng mapusok sa mga labi.

                Nabigla ang dalaga sa ginawa ni Zinger. Pinilit niyang lumaban ngunit mas malakas ang lalake sa kanya. Ang mapusok na halik ngayon ay unti-unti ng nagiging masuyo. Ayaw man niya ay unti-unti na siyang nadadala sa halik ng binata at kakaibang emosyon ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon.

                Posible bang sa isang halik lamang ay mapukaw na ang puso at kilalanin ang pag-ibig? Ano ang kapangyarihan ng halik at ng pag-ibig? Paano nito napapagbago ang kapalaran ng dalawang tao?

=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=

Complete Name: Zinger Razeaniea

Pet Name/NickName: Nickname? Hmmm…Shin…. Pet name? Wait lang! Vix! What name ng aso at pusa mo?

Vixen:  Kaibigan ko sila! Di ko sila Pet! Orion and Cassiopeia!

Zinger:  *grins* Ayun ang name ng pet ko, Orion and Cassiopeia

Vixen: *tumaas ang kilay*

Age: 28

Height: 5’9”

Weight:  Weight? Vixen! Sa tingin mo anong weight ko?

Vixen: Katawan mo yan bakit mo sa akin itatanong?  *nakataas ang kilay*

Zinger: I Love You Vix!

Vixen: *Blush* Ingudngud ko yang mukha mo sa putik gusto mo?

Birth Place: Makati City

Occupation: General Manager of Rose Communications

Educational Attainment:  College Graduate

Course: Business Management

Ambition: Mapaamo ang isang diwata!

Motto: Huwag maniwala sa gayuma! Pero para mapaibig ang isang diwata kailangang gumamit ng gayuma!

Vixen: Motto ba yun?

Zinger: Hindi gawa-gawa lang. Nagayuma na ba kita?

Vixen: Makaalis na nga! Lumalakas ang hangin!

Zinger: Wait lang! Saan ka pupunta Vix?

Vixen: Aalis! Di mo ba narinig?

Zinger: I Love You!

Vixen: Hay naku baliw talaga!

Describe yourself in one sentence: Gwapo, Malambing, Mapagmahal, Mayaman at Mahal na Mahal ang diwata na ngayon ay binubuksan ang pinto.

Vixen: *Lumingon* Tao ako at hindi diwata!

Describe your dream girl: Kakaiba, Maganda, Aloof, Mataray at isang diwata. In short si Vixen!

How would girls describe you? Vixen: Miss Reporter pasagot lang ha! Isa siyang mahanging tao, ang kulit at baliw! Ano ba kasing nangyari diyan? Bakit bigla na lang naging makulit?

Zinger: Inlove kasi ako sa iyo. *ngiti*

Vixen: Kitams? Di ba baliw siya?

Describe your daily routine: Dati workaholic ako, pero ngayon wala na akong ibang ginagawa kundi ang mahalin si Vixen.

Vixen: Kaasar na talaga! Pasalamat ka boss kita!

What are some words or phrases you use most? Walang iba kundi I Love You Vixen!

Favorites

Color: Yellow!  Yun kasi favorite ni Vix!

Hobbies: Samahan kung saan man pupunta si Vix!

Vixen: Sabihin ninyo po! Stalker ko kayo Boss!

Expression: Smile When I see Vix

Food: Spaghetti! Favorite din yun ni Vix

Drink: C2 at Chuckie

Fruit: Apple! Di ba gusto mo din yun Vix?

Vegetable: Vegetable? Vix ano nga bang favorite mong gulay?

Vixen: *Nanggigigil na sa inis* Boss! Bakit po ba lahat ng favorite ko yun ang sinasabi mo? Ako po ba si Zinger Razeaniea?

Zinger: Hindi pero ikaw ang buhay ko!

Vixen: Haist! *napabuga ng hangin*

Band: Shamrock

Songs: Alipin

Movie: Marley and Me! Basta lahat ng hayop ang bida!

Sport: Basketball

TV Show: Pet Show! *tingin kay Vix nakangiti*

Personal Questions

What is crush? Crush is Vixen

What is love? Love ko si Vixen Llanes

Who is your crush? Si Vixen Obvious na!

Who is your love? Vixen siyempre!

Do you believe in love at first sight? Oo na oo!  I Love You Vixen!

Who’s your first major crush? Vixen!

Who’s your first love? Vixen!

Who’s your first kiss? Si Vixen!

What makes you “kilig”? Vixen!

Most embarassing moment: Wala! Kasi lahat ng moment na kasama si Vixen Perfect! Di ba Vixen?

Vixen: *Walang imik*

Zinger: Sasagot ka ba o hahalikan kita?

Vixen: *blush* I resign!

Zinger: Resignation not accepted!

Vixen: Arghh! Daya mo talaga Boss! *walks out*

Zinger: Wait lang! Hintayin mo ako aking mahal!

Coming Soon…

=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=

Help our campaign to publish our stories here in soeursbelle by purchasing our Premium E-Pocketbooks. Click here for more details.

==============================================================

Share on Facebook

1 comment

  1. EcyHan says:

    weeh, sana ung coming soon….bukas na hehehe
    teaser p lng ang ganda ganda na…kaabang abang :-)

Your email address will not be published.

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Content Protected Using Blog Protector By: PcDrome.

Password Reset

Please enter your e-mail address. You will receive a new password via e-mail.