TEASER
Kelangan ni Chazzie ng pera. Pero dahil sa isang pesteng bato, pinipilit siyang pagbayarin ni Zayne Vistanilla ng fifty thousand pesos dahil tumama iyon sa pinakamamahal nitong kotse nang sipain niya.
“Keribels ko sa kotse mo? Mangitim man ang lahat ng kasingit-singitan ko sa katawan, hinding hindi kita babayaran! Tandaan mo `yan!”
Pero nang pagbantaan siya nitong ipapakulong siya, umurong ang dear heart niya. Hindi niya kayang ma-imagine na ang beauty niya ay kulungan lang ang makikinabang. Kaya kahit labag man sa loob niya, pumayag na siya.
Hindi niya akalaing gagawin siya nitong alila, isang chimimay for one month! Siguro, iyon, okay pa. Pero ang pagpanggapin siyang girlfriend? Na-uh! No way, `no! Sumosobra na ito!
Ngunit bakit ganoon? Hindi siya pumayag pero nang makita niyang may ibang kasamang babae ito… ay parang chinuk-chak-chenez ang puso niya.
Hala! Traydor na puso! Na-jijinlababo na ba siya rito?
Meet the Characters: Chazzie and Zayne
The Slumbook Magazine: Interview
Paparazzi1 ( Jowi ) : Mare, keri mo yan. Ma-iinterview mo si Fafa Zayne. Alalahanin mo, para `to sa Slumbook Magazine. Okay?
Paparazzi2 ( Caleisha ): *tango-tango*
Paparazzi1: Sige, mare, gorabels!
Paparazzi2: Fighting! Sana buhay pa akong makabalik!
An interview: Zayne Vistanilla (Complete Version)
Complete Name: ZAYNE VISTANILLA
Pet Name/NickName: ZEE
=> Chazzie: Zorro!
=> Zayne: *furrowed eyebrows* What are you doing here?
=> Chazzie: Oh, never mind me. Just pretend i don’t exist here. Paparazzi, you go ahead.
Age: 27
Height: 6’1
=> Chazzie: Oo, kaya ang liit ng tingin mo sa akin, eh.
Birth Place: EL BONITA ROSA
Occupation: BOTANIST, OWNER OF EL BONITA ROSA FIRM (delivers roses; import & export)
Educational Attainment: COLLEGE GRADUATE WITH MASTERAL DEGREE
Ambition: *evil glare*
=> Chazzie: He wants to rule the world! Bwahahahaha!
Motto: *evil glare* Ano sasagot ka na naman? *looks at Chazzie*
=> Chazzie: Uhm! No comment.
Paparazzi: Describe yourself in one sentence.
Zayne: I’M SEXY AND I KNOW IT
Paparazzi: Describe your dream girl
Zayne: Dream girl? Someone who looks like Wonderwoman and can fly. In short… She. Wil. Never. Exist.
Paparazzi: How would girls describe you?
Girl1: He’s perfect! Kahit lagi siyang seryoso, mahal ko pa rin siya.
Girl2: Agree!
Girl3 (Chazzie) : Pss. Alagad ng kadiliman. Palaging tulala. Palaging wala sa mood. `Pag wala sa mood, palaging niyang sinisinghalan ang mga tao sa paligid niya. Tingin niiya, siya lang tao sa mundo. Kaya kung sino man ang nakakabasa nito ngayon, wag na kayo kay Zorro. Kahit nakakatulo ng laway ang abs no’n, kahit na–hooo! grabe ang kaguwapuhan no’n at sobrang *bites lips* yummy niya, wag na wag kayong lalapit sa kanya. Alagad siya ng kadiliman. Hindi ko siya sinisiraan, masyado lang akong honest *smiles* Peace yah!
Paparazzi: Describe your daily routine
Zayne: *evil glare* That’s none of your business already.
Paparazzi: What are some words or phrases you use most?
Zayne: `Di pa ba `to tapos? *walks out*
=> Chazzie: Pagpasensiyahan niyo na. Wala sa mood, eh. Sige.Ciao! Zayne! Sandali! Hintay!*
*5 minutes break (Time para huminga ang Paparazzi)*
Color: Bloody Red
Hobbies: playing my guitar whenever i’m not in my greenhouse
=> Chazzie: kunwari ka pa. Paparazzi, mambabae po ang final answer
Expression: *evil glare* will you shut up your mouth!
=> Chazzie: ako ba? o sumasagot ka lang sa tanong?
=> Zayne: both. why are you here, anyway?
=> Chazzie: syempers, kasama ako sa first part nito, dapat kasama rin ako sa second. DUH!
Food: Vegetables
=>Chazzie: EEEWWW!
=> Zayne: *evil glare*
Drink: Fruit shake
=> Chazzie: Iyong pawis niya. palagi niyang iniinom pag nagsasaka siya. Kadiri noh? =>Zayne: really, woman, you’re pissing me off
=>Chazzie: Yikes! asar talo!
Fruit: anything
=> Chazzie: Melons! *tinaas ang dalawang kamay na animo may pinipisil na bilog*
Vegetable: Eggplant
=> Chazzie: Bakit iba `yong pumasok sa isip ko? *napatingin mula sa mukha ni Zayne pababa sa…*
Band: The Script
Songs: *no answer*
=> Chazzie: Banyo Queen!
Movie: *no answer*
=> Chazzie: Kimi Dora! Aminin mo, ang dami mong tawa do’n!
=> Zayne: Fine! Kimi Dora. But how did you know it?
=> Chazzie: Ako pa? *grins* secret.
Sport: Football
TV Show: I dont watch TV, okay?
Personal Questions
What is crush?
=> Zayne: Crush crushes hearts
=> Chazzie: Uy! Hindi, ah!
What is love?
=> Zayne: Love is … not a word to be define, but a feeling to be feel
=> Chazzie: *patts Zayne’s shoulders* Drama mo, tsong
Who is your crush?
=> Zayne: She crushed my heart
=> Chazzie: Drama
Who is your love?
=> Zayne: My roses
=> Chazzie: Who nga, `di ba?
=> Zayne: Fine. Althea.
=> Chazzie: Althea, who?
=> Zayne: That’s none of your business
=> Chazzie: *evil glare*
Do you believe in love at first sight?
=> Zayne: No
=> Chazzie: Parehas pala tayo
Who’s your first major crush?
=> Zayne: *evil glare*
Who’s your first love?
=> Chazzie: yah! sino?
=> Zayne: Althea
=> Chazzie: *strike two! EVIL GLARE*
Who’s your first kiss?
=> Zayne: Althea
What makes you “kilig”?
=> Zayne: If i’m with Althea
Most embarassing moment:
=> Zayne: When i was grade four and my classmates kissed me in my lips, i ran to Althea and cried–
=> Chazzie: Tama na nga! Puro ka na lang, Althea, Althea. Althea-hin mo nga `yang mukha mo! Huwag kang uuwi sa bahay, hindi kita ipagluluto ng espesyal kong tortang talong! Amp!
=> Zayne: why? Nagseselos ka? You’re jelous. You like me don’t you?
=> Chazzie: *gasp* As if, `noh! Diyan na nga kayo! susunduin ko `yang Althea mo, ibabato ko sayo! *runs out*
=> Zayne: *grin* She doesnt know Althea was just my greenhouse. I gave her a name. So, Paparazzi, cut this part, okay? Ayokong mabasa to ng maraming tao. *rolles eyes*
Sneak Peek
Pabagsak na isinara ni Chazzie ang pinto. Wala talagang katulad ang lalaki. Walang kasing bagsik. Feeling niya, isang segundo lang siyang lumapit rito ay lalapain na niya ito. At, heto, hindi niya alam kung ano na naman ang ipapagawa ng walanghiyang Zayne na iyon.
Pumasok siya sa kuwarto. “Your Majesty, ano pong—” Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin. Napalunok na lang siya dahil sa napakagandang tanawing tumambad sa kanya.
Zayne’s body was all wet. He looked like a fish fresh from the shower. And, Jesus! She could smell his manly scent. Tama bang ipangalandakan sa harap niya ang katawan nito? Kapag siya, hindi talaga nakapagpigil ay baka…
“What? Are you going to stare at me forever or what?”
Hinagpd nito ang basang buhok. Oh-la-la!
“Ha?” Napanganga siya. Titig na titig pa rin siya sa abs nito at doon sa maliliit na hair pababa sa… Geez! Ang censored part!
He grinned. “Want to see where the small hairs go?” Itinuro pa nito iyon.
Doon siya natauhan. Kumuha siya ng unan mula sa kama nito at buong lakas na ibinato iyon dito. “For your information, your Majesty, wala akong interes sayo at diyan sa…” napatitig ulit siya sa maliit na buhok nitong nasa ilalim ng pusod, “sa alaga mong iyan.”
Nasalo nito ang unan. “Oh?” His eyebrow slightly rose.
“Oo!” Humalukipkip siya at panaka-nakang tinitingnan ito. “Ba’t ka ba kasi dito nagbibihis? `Ka-distract ka, ah!”
“Bakit? Saan mo gusto? And, oh, by the way, this is my house. Baka nakakalimutan mo lang.”
Okay. Basag siya roon. “Hmp!” Iningusan niya ito. “Tse!”
Then he smiled at her.
Teka lang! Did he really smile at her? The dashing Zayne Vistanilla smiled at her. For the first time, grabe! Magpapapiyesta siya sa baranggay nila!
Para siyang inehele ng mga anghel sa ngiting iyon. Pure at walang halong sarkasmo. Kaya pala halos magkandamatay ang mga kababaihan kapag ngumingiti na ito. Lubos niyang naintindihan ng mga oras na iyon ang ibig sabihin ng salitang “killer smile.”
“You know, dalas-dalasan mo ang pagharap sa salamin nang nakangiti, ah? Guwapo ka kapag ngumingiti ka,” aniya sabay baling ng tingin sa ibang direksyon. Ayaw niyang makita nitong nagba-blush siya.
Biglang kumunot ang noo nito at tinangay ng hangin ang ngiti nito. “Really, woman?”
Naman! Kelangan pa bang i-memorize `yan? “Yeah. Kaya palagi kang ngumiti, ah?”
“Huh. I’ll keep that in mind. But for now…” Humiga ito sa kama. “Come here…” he seductively said, with his teasing grin.
Nanlaki ang mga mata niya. “What? Anong gagawin mo sa akin?” Tinakpan niya ang kanyang dibdib. “Don’t tell me, may pagnanasa ka sa akin. Sinasabi ko na nga ba, Zayne Vistanilla! Matagal ka ng may crush sa akin! Pero, huh! Inosente ako at hindi mo ako madadaan sa paganyan-ganyan mo kahit ang sexy mo tignan sa—”
“Oh, shut up! Just come here, you little witch.”
“What are you planning to do to me?” nahihintakutan pa rin na tanong niya.
“Massage me,” said with his husky and sexy voice.
Zayne, ano itong ipinagagawa mo sa akin! Rrr…
“Mamasahiin kita? `Kita mong ako ang pagod. Masaya ka.”
“Nagrereklamo ka? Fine. Pay me fifty-thousand pesos.”
“`Eto naman, hindi na mabiro.” Ngumiti siyang pang-aso. “Nariyan na po, your Majesty.” Nag-inat-inat siya. Napasigaw siya. Nasapo niya ang kanyang leeg.
“What the—Don’t try my patience—”
“Magtigil ka! Kita mong naipitan na nga ako ng ugat sa leeg, eh.”
Sandaling katahimikan ang naghari sa kanilang dalawa. Hindi siya gumalaw mula nang mahiga siya sa kama. Patuloy niyang hinihilot ang kanyang leeg nang bigla na lang itong tumayo at buhatin siya.
“Hey! Ano bang—”
“Zip your mouth, okay? I’ll massage you.”
“What?”
“I said zip your mouth!” Ibinagsak siya nito sa kama.
“Aray! Fine! Let go of me, you Valdemort.”
“Don’t be so hard-headed. I’ll massage you, okay?”
“Ayoko.” Umirap siya rito.
“Fine. Shut up or I’ll seal your mouth with a kiss.”
Umuwang ang kanyang itaas na labi. “Kaya mo?” mapang-asar na tanong niya.
“Don’t try me, you little witch.”
“Yes, I try you, you beast!” Dinuro pa niya ito. Dahil roon ay muling napilipit ang ugat niya sa leeg. Napasigaw siya sa sakit. “Aaaww!”
At sa hindi niya malamang dahilan, biglang nasa ibabaw na lang niya si Zayne at sobrang lapit na ng mukha nito sa kanya. “Let me just massage you, okay?” he said with such a tender voice.
She never saw Zayne commanding her—ah, no—begging her with plea. Ang sarap sa feeling!
“Sir Zayne!” Pumasok ang secretary nito sa pinto na may bitbit na ilang papeles. “Oooppsss! Wala po akong nakita.” Dali-dali itong lumabas mula sa kuwarto.
Nanatili silang nagkatitigan ni Zayne hanggang sa pabagsak na isinara ng sekretarya nito ang pinto.
Coming Soon…
=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=
Help our campaign to publish our stories here in soeursbelle by purchasing our Premium E-Pocketbooks. Click here for more details.








==============================================================
Share on Facebook

3 comments
ms_vulnerable says:
January 31, 2012 at 5:07 am (UTC 0 )
waaahhhh.. kinikilig ako.. hehehe
rizamhe says:
February 1, 2012 at 1:57 pm (UTC 0 )
wow..my fist time to read your noble….ang ganda nito…
richeal says:
February 19, 2012 at 4:09 pm (UTC 0 )
kailan ba ito ipapabasa