Teaser
Liam Jethro Lacuesta is a man of few words. A ruthless businessman with a pet name ‘The Undertaker’ in the business world. He always knows the trick on how to steal someone elses contract. People call it a gift but Liam call it a curse from the living dead. He grow up pleasing people because of his status. Being poor. Atleast that’s what he knows up until his mother confide about his real history. When he finally met his real parents, he strive more on what he does. To prove that he is not a waisted bastard. With a wealthy ancestors, he had all the access for his success.
Except when a certain Miyaka Detsuke interupt his so called ‘my own game’. Miyaka on the other hand is a mischievous, witty and down to earth person. She was given a Flower Farm and a Flower Shop from her deceased Grand Mother. Without any knowledge of running the business, she almost lost everything. Unless, if she accomplish her last option and that is to get the contract of the biggest distributor of flowers in Japan.
All hell break lose when Liam and Miyaka finally met.
Who will win in the game of Liam Versus Miyaka?
Sneak Peak:
Lakad takbo ang ginawa niya pagkatapos mai-park ang dalang bisikleta sa harap ng gusali ng Naishi Distributor Incorporated. Nakita kaagad niya ang isang receptionist sa babae. Huminga muna siya ng malalim. ‘Mapapasubo ako sa Niponggo nito ah’ wika ng kaniyang isipan.
“Kon’nichiwa” (Hello) nag bow pa siya dito.
Ngumiti ang babae “Watashi wa ni nani ga dekimasu ka?” (What can I do for you?) tanong nito sa kaniya.
“I have an appointment with Mr. Takahashi at nine. My name is Miyaka Detsuke.” Ibinigay niya dito ang isang valid ID niya.
“He’s been expecting you in his office.” Tinuro ito ang direksyon ng opisina ni Mr. Takahashi.
Kanina pa niya gustong ma ihi kaya lumingon-lingon siya para maghanap ng restroom. Namilipit na siya dahil parang sasabog na ang pantog niya. Pa ekis-ekis siyang naglakad papuntang restroom. Hindi niya alintana ang kaniyang nakakasalubong. Pabalya niyang binuksan ang pintuan sa lakas ng kalabog nito ay napamura ang isang lalaking umiihi sa urinal.
“What the—-!!” sigaw nito. Nakatalikod ang lalaki sa kaniya pero lumingon ito.
“Eeeeekkk I’m sorry…. I mean… wa—“ inaalala pa niya paano sasabihin ang ‘I’m sorry’ sa Nipongo. “Watashi wa zan’nen.” Hinging paumanhin niya dito sabay takbo palabas. Dahil sa hiya ay nalimutan na niyang naiihi pala siya.
‘Muntik na ako dun ah. Ano nga ang gagawin ko?’ napaisip pa siya. Nakita niya ang larawan ng isang babae sa tapad ng men’s room. ‘Ay tama iihi pala ako.’
Habang nasa toilette seat ay napa ‘aaahh’ pa siya dahil sa wakas nailabas na rin niya ang pinipigilang ihi. “Nakakahiya ka Miyaka ang guwapo pa naman din nung hapon na yun parang may lahing Amerkano.” Kastigo niya sa kaniyang sarili.
Medyo natagala pa siya sa loob ng banyo. Nagalangan siyang lumabas at baka naghihintay sa labas ang lalaking nakita niya sa men’s room. Nag ipon muna siya ng lakas ng loob bago binuksan ang pintuan palabas. Sumilip-silip siya sa magkabilang hallway bago pinunahan ang opisina ni Mr. Takahashi.
Kumatok muna siya sa pintuan. May narinig siyang nagsabing ‘come in’ kaya binuksan na niya ang pinto. Nanlaki bigla ang mata niya ng makita niya ang lalaki sa men’s room. ‘Huwag kang magpahalata Miyaka. Calm down ka lang at baga mapahiya ka na naman.’
“Kon’nichiwa” nag bow siya sa harap nito. “I’m Miyaka Detsuke from Philippines. I called the other day for the contract.” Panimula niya.
“Oh yes I remember.” Wika ng isang medyo may katandaang lalaki. “Please seat down.” Itinuro nito ang upuan paharap sa lalaking nakita niya sa men’s room. Hindi siya makatingin dito ng diretso kaya inilibot nalang niya ang kaniyang paningin sa buong kuwarto.
“Ms. Miyaka Detsuke meet Mr. Liam Jethro Lacuesta. He’s also a businessman from your country.” Pakilala sa kanila ng hapon. Medyo hilaw ang ngiting binigay niya sa lalaki. Napilitan pa siyang makipagkamay dito. His lean, masculine hand have a hard grip on hers. May init na naghatid sa kaniyang buong katawan na para siyang sinilihan bigla. Mas lalo na ng marinig niya ang boses nito.
“Hi.” Matipid na bati ni Liam. Ang baritono nitong boses ay parang isang magandang musika sa kaniyang pandinig. Napa ‘Haaayyy’ tuloy siya sa kaniyang isipan.
Matapos ang halucination niya este pagpapakilala sa kanila ay tahimik na siyang umayos ng upo. May kinuhang folder si Mr. Takahashi at binuklat iyon.
“Sorry Miss Detsuke but our Company already made a final decision that we will give the contract to Mr. Lacuesta.” Pahayag ng Presidente ng Naichi Distribution Center. Parang bomba sa kaniya ang narinig na balita. Ito nalang ang last option niya para mairaos ang naluluging Flower Farm at Flower Shop.
Nilingon niya si Liam na prentent naka upo sa isahang upu-an.
“Congratulations Mr. Lacuesta.” Inilahad ng President ang isang kamay para kamayan si Liam na ngayon ay napatayo na.
“My Pleasure Mr. Takahashi.” Nagkukot-kot ang loob niya sa nakikita. Nakangiti pa ang binata na parang walang naaagrabiyadong tao sa tabi. Kinuyom niya ang kaniyang mga palad at nag walk out pabalik ng ladies bathroom. Doon siya nagsisigaw.
Nang ma hulasan siya ay lumabas na siya ng building at pinuntahan ang nakaparadang bisikleta. Uuwi nalang siya nang Pilipinas. Tutal wala na siyang kailangan dito sa Japan. Napakunot ang noo niya ng makita ang binata sa harapan ng Bike niya.
“Hoy anong ginagawa mo sa bisikleta ko?” bulyaw niya dito sabay hampas ng likod ng lalaki gamit ang hawak niyang sling bag.
Lumingon ito sa kaniya sabay abot ng isang papel? Napakunot ang noo niya ng mabasa ang english translation nito. Parking Ticket!
“Bakit mo sa akin ibinibigay iyang Parking Ticket mo?” tanong niya sa lalaki.
“Hindi akin iyan. Sa iyo iyang Parking Ticket inabot sa akin nung Ale. Kung hindi ka ba naman timang eh hindi mo dapat I park ang bisekleta mo kung saan-saan. May mga Parking area sila para sa mga bikes doon sa unahan.” Sabay turo sa direksyon sinasabi nito.
“Ano? Pati ba naman bike ay may ticket? Nakakuha na nga ako ng temporary permitt tapos ngayon ay magbabayad pa ako nito? Urgg Kasalanan mo ito eh! Ikaw ang malas sa araw na ito.” Bulyaw niya sa lalaki.
“Bakit ako?” sabay turo sa sarili. “Hindi ko kasalanan kung may Parking ticket ka. At puwede ba huwag mo ngang masyadong pinipersonal ang pag-ayaw sa iyo ng Distributor. Business is business. Walang personalan trabaho lang ika nga.” Na insulto siya sa sinabi nitong hindi pinipersonal.
Nag init ang anit niya kaya pinagbabayo niya ito. “Walang hiya ka! Hindi pinipersonal ha… eh sa akin personal yun.” Umiiyak na siya at hinihingal dahil sa galit. Hinawakan ni Liam ang dalawa niyang kamay at mataman siyang tinitigan.
“Ms. Detsuke, sa larangan ng negosyo ay dapat kang magpapakatatag dahil iyang ang isa sa magiging puhunan mo. Now If you don’t mind I have a plane to catch.” Yun lang ang sinabi ng lalaki bago siya nito iniwan na luhaan sa tabi ng daan.
“Magbabayad ka Liam Jethro Lacuesta.” Sumpa niya sa kaniyang sarili. “Magkikita pa rin tayo!!” sigaw niya sabay taas ng isang kamay.
“Aaaaiii!!” sigaw ng isang matandang hapon sa kabilang daan.
“Ay naku.” Natampal niya ang kaniyang noo.
Coming Soon…
=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=
Help our campaign to publish our stories here in soeursbelle by purchasing our Premium E-Pocketbooks. Click here for more details.








==============================================================
Share on Facebook

2 comments
Sonia says:
February 15, 2012 at 10:46 pm (UTC 0 )
Kailan na ho paparada ang mga Emperors?
itsgonnabeme says:
February 16, 2012 at 3:10 pm (UTC 0 )
wui kailan to?