«

»

Jan
01

Papa Love, I am in Love with JonDmur

Papa Love, I am in LOve! – from Mr. Mid Tech

“Huwag kang magmahal ng iba kung ang hangad mo lang ay maghanap nang masisilungan.” – jondmur Orig Quote No. 61

Mula Luzon, Visayas at Mindanao hanggang saang dako man ng mundo. Masaganang Bagong Taon sa inyong lahat ^_^ Narito ako para magbahagi ng isang kwento ng isang OFW na naguguluhan sa pinasok niyang suliranin. Itatago natin siya sa pangalang – Mr. Mid Tech

May asawa ako sa Pinas jon at dalawa na ang anak namin. Sa loob ng limang taon na nag-work ako sa *ibang bansa* masasabi ko na naging mabuting padre de pamilya ako. Lahat ng pangangailangan nila eh binibigay ko. Last September 2011, first time kong magloko sa misis ko. dahil siguro sa pangungulila ko sa kanya. Hindi ko alam kung pagmamahal ang nararamdaman ko sa babae ko pero masaya ako pag kasama ko siya. Natatakot akong malaman niya ang totoo dahil sa buong akala niya binata ako…. Last December 2011, bago mag Xmas inamin niya sa akin na may asawa na rin siya sa pinas.Ako naman ay tinanggap niya dahil pareho lang ang sitwasyon namin kahit nagtampo pa siya dahil nauna siyang umamin sa akin. Dapat ba naming ipagpatuloy ang relasyon namin dahil kailangan namin ang bawat isa?

Papa Love –

Pangungulila – ito ang dahilan kung bakit natukso kayo sa bawat isa. Bawat isa sa inyo ay may pangangailangan na hinahanap, bunga din ito na malayo kayo sa mga mahal n’yo sa buhay. Kahit saan susuriin isang malaking BAWAL ang nakikita ko. Para sa akin, putulin n’yo na ang nag-uugnay sa inyong dalawa at baka ikaw pa ang MAPUTULAN kapag nalaman ni misis ‘yan.

Ipinakikilala ko ang nakuha kong Parental Adviser – isang butihing padre de pamilya na naninilbihan sa Jeddah Saudi Arabia. Itatago natin siya sa pangalang Ka – Gerry

Ka – Gerry – private person – isang ama – OFW

Ngayong alam na ninyo na pareho ang inyong kalagayan nararapat lamang na tigilan nyo na ang inyong maling relasyon…Kailangan nyo ang bawat isa dahil pareho kayong nalulungkot at nangungulila sa pagmamahal ng inyong mga mahal sa buhay, pero ang nararamdamn nyo ngayon – hindi sya pagmahahal sa isa’t isat kung hindi init ng pagnanasa tuwing kayo’y magkasama na pareho nyong natutugunan sa ngayon dahil kayo’y magkasama.

Isipin mo, ano ba ang naging layunin nyo bakit kayo umalis ng bansang pinas? Di ba ang mabigyan ng magandang kinabukasan ang inyong kanya kanyang pamilya, nagsasakripisyo kayo na mawalay sa kanilang piling upang matugunan ang pangangailangan ng inyong mga pamilya… Kung handa kang mawala ang iyong pamilya dahil sa iyong ginagawa pwede mong ipagpatuloy ang relasyon ninyo….pero ganun din ba kahanda ang iyong kinakasama na meron din sariling pamilya na masisira.

Ang tao ay di likas na masama at mapangloko sa kapwa higit lalo sa mga mahal natin sa buhay…mas gugustuhin pa nating tayo mismo ang masaktan kesa makapanakit tayo at makasira ng pamilya ng iba…at hindi rin natin gugustuhin na mapariwara ang ating mga anak kung sakaling humantong sa panahon na parehong malaman ng mga asawa ninyo ang mga ginagawa nyo ngayon.

Nasa ibang bansa ka man..isipin natin ang ating mga mahal sa buhay…sila ang ating bukas at sila ang dahilan kung bakit kayo naghihirap at nagsasakripisyo …kailanman walang ibubuting maganda ang ginagawa nyo ngayon..oo natutugunan nya ngayon ang init ng tawag ng laman pero lilipas din yan bagkus mangingibabaw ang ating pagmamahal sa pamilya at takot sa Diyos.

Ipinakikilala ko ang TATLONG PUSONG TAGAPAYO na siyang makakatulong din sa iyong suliranin –

1. Ms. Denise – a woman with a sincere heart – a good friend of papa love. Silent reader ng TRE – certified adik –

First, I don’t want judge you of what you have done, as they say we are “human beings” and subject to any temptations at hindi naman kita masisi kasi nasa malayong lugar ka at malayo sa family mo but still it’s not an excuse para lokohin mo ang asawa mo, it’s a big SIN in the eyes of God. At dyan sa tanong mo, kahit di ka namin sagutin alam mo na sa sarili mo ang tamang sagot, DAPAT putulin, habang wala pang hindi magandang nangyari sa relasyon ninyo. Think of it, pareho kayong may asawa, the possibility na may dalawang kayong taong niloko at sinasasaktan. Put yourself in the shoe of your wife or in the husband of the girl na karelasyon mo ngayon. Isipin mo ang asawa mo may kasiping na iba, diba napakasakit at nakakalaki right?

So sa ngayon palang habang hindi pa masyadong malalim ang nararamdaman ninyo sa isa’t isa much better if you STOP it. Think of a much worse scenario paano na mabuntis iyang girl, paano na? so habang wala pa STOP it. At isipin mo din ang mga anak mo, I know they are very proud of you co’s they are a good provider to them, for sure pinagmamalaki ka nila sa kanilang mga kakaklase…so don’t disappoint them.

At dyan sa issue na nakakabored at nalulungkot ka, try to divert your attention to SPORT not into GIRLS… then PRAY everyday for the guidance and enlightenment …read the BIBLE.. cos it is the word of GOD…at never ka bored dyan promise..

BRO kaya mo iyan…

2. Ms. Sapphire – TRE Admin – Pranka – Penguina ni Penguin –

Ito lang ang maipapayo ko:

UNA, Huwag ninyung ipagpatuloy iyang relasyon ninyong dalawa. Isipin ninyo ang pamilyang naiwan ninyo sa Pinas. Isipin ninyo ang magiging Aftermath ng ginagawa ninyo. Kasalanan iyan sa mata ng tao at lalo na sa mata ng Diyos.

PANGALAWA, at dahil pareho kayong nasa *COUNTRY*, ay isipin ninyo kung ano ang gagawin nila kapag nalaman nilang pareho kayong may asawa?

PANGATLO, Paano kung magbunga ang ginawa ninyu? At paano kung makukulong si babae? Kawawa ang inosenteng bata. Madadamay dahil sa libog ninyo.

PANGAPAT, may mga remedyo naman iyan eh. Maglaro ka nalang ng basketball. O kaya ay maki jammin’ ka sa mga kasamahan mong lalaki. Huwag ka ng makipaglapit dun sa babae dahil baka may masindi na naman.

Mahirap bang kontrolin iyan? Oo naman. Pero puleezzz lang unahin ‘nyo muna isip ninyo bago iyang anu ‘nyo… yun na!

Hindi po aq galit hihihi nagpapaliwanag lang. Galit aq sa pinaggagawa ninyu hindi sa inyu.

Sana naman po ay mapag-usapan ninyu iyan. AT huwag ng masundan pa, maawa kayo sa mga anak ninyu.

3. Edzyr Reyes – OFW – Perfect Boyfriend –

Hnd n’yo na yan dapat pang ipagpatuloy dahil una palang mali na kasi may sarili na kaung pamilya, habang maaga pa at di pa lumalalim ang relasyon na inyong nasimulan itigil nyo na yan..

Hind mo masasabi na mahal mo siya dahli masaya ka sa kanya, masaya ka lang dahil naibibigay niya ang pangangailangan mo at gnun din siya sa’yo. Kaya sana habang maaga pa putulin n’yo na ang ugnayan na meron kayo ngayon.

_________

Ipinakikilala ko din ang isang OFW na handang magbigay ng SPIRITUAL ADVICE – (Paunawa sa ating kaibigan na iba ang paniniwala o hindi naniniwala sa Bibliya) Salamat sa pag-unawa kung nakabahagi ako ng ganito!

Brod. Wasili – OFW – Isang ama, mabuting asawa at naglilingkod sa Diyos

Dapat lang kayo’y maging tapat sa inyong asawa, dahil bago pa kayo lumapit sa harapan ng ating panginoon para makipag isang dibdib ay marami na kayong pinagsamahan sa buhay at dapat rin ninyong tandaan na kayo ay nangako sa harapan ng panginoon na humingi ng basbas para maging banal ang inyong kasal at dapat lang sundin ninyo ang nakasulat sa BIBLIYA ang lahat ng kanyang mga utos at lalong lao na ang pa tungkol sa “PAG-IBIG”.

1 Corinthians 13:4–8a

Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It is not rude, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres. Love never fails … (NIV)

Ephesians 5:25

Husbands, love your wives, just as Christ loved the church and gave himself up for her. (NIV)

Ephesians 5:33

However, each one of you also must love his wife as he loves himself, and the wife must respect her husband. (NIV)

Eph 5:22 Wives, submit to your own husbands, as to the Lord.

_________

“Huwag kang magmahal ng iba kung ang hangad mo lang ay maghanap nang masisilungan.” – jondmur Orig Quote No. 61

Sa iyo Mr. Mid Tech sana nakatulong ang TRE para maliwanagan ka o makabawas sa bigat na iyong nararamdaman. Kung meron ka pang nais itanong ay welcome ka sa inbox ko ^^

Tandaan! Lahat nang pagkakamali ay nabibigyan ng pagkakataon na maitama bastat nasa puso ang pagbabago ^^

Sa lahat ng TRE reader’s makakatulong din kayo sa pamamagitan ng pagbibigay ng comments / opinions sa post na ito. Maraming Salamat!

________

In Love ka ba? Binasted ka ng nililigawan mo? O ni- reject ka ni gwapito? Narito lang ako – pag usapan natin ‘yan! Hehehehe ^___^

Papa Love, I am in Love!

Send lang sa inbox ko – malay mo LOVE PROBLEM mo ang pag uusapan natin ^^

papalove2012@yahoo.com

Share on Facebook

Your email address will not be published.

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Content Protected Using Blog Protector By: PcDrome.

Password Reset

Please enter your e-mail address. You will receive a new password via e-mail.