Interracial Love 2 {Via Donoso} –
Dance with Me by Miss_J
TEASER
Dancer, stripper, iyon ang tawag sa mga katulad ni Carina. Hindi pwedeng mahalin dahil mababang uri ng babae pero hanggang kailan mamamayani ang patakarang iyon kung siya mismo ay tinamaan ng pana ni kupido?
Pagmamahal o reputasyon, saan ang mas mahalaga? Pag-ibig o pride, alin ang dapat mangibabaw? Sigaw ng puso o kahihiyan, alin ang uunahin?
Sneak Peek
“Let’s go, sweetheart! I have a surprise for you!” Natutuwang sambit nito. “Later, Aaron!” Paalam nito sa lalake. Tumango naman ang huli.
Pumasok na sila sa main hall at pumunta sa stage si Luke.
“Good evening, everyone!” Simulang bati nito. Nakinig naman ang lahat. “Thank you for comin’ to our yearly custome party. We really appreciate you all taking the time to come and celebrate with us. Speaking of celebration, I want you to celebrate with me for I am going to the next level of my life. I, Luke Brandon Fowler is asking Miss Carina Sylvania’s hand for marriage.” Isang malakas na singhap ang naging pagtugon ng lahat. Sinabayan pa iyon ng pagbaba nang napakalaking banner na nagsasabing “I Love You, Carina!”
Pagkatapos ng nagulat na ekspresyon ng lahat ay nagpalakpakan ang mga ito. Hindi naman makapaniwala si Carina sa ginawa ni Luke.
“Come here, Sweetheart.” Tawag ni Luke sa kanya na hindi pa din nakakarecover sa pagkabigla. Nang makalapit si Carina ay nagsigawan ang lahat ng kiss kaya buong pagmamalaking hinalikan siya ni Luke sa harap ng lahat. Isang maugong na palakpakan na naman ang ibinigay ng lahat sa kanilang dalawa.
“Carina, will you be my wife?” Tanong ni Luke na binuksan pa ang napakagandang diamond ring. Napakalaki ng kumikinang nitong dyamante. Nakakalulang tingnan, nakakatakot hawakan.
Sabik na naghintay ang lahat ng kanyang sagot. May mga kinikilig pa na mga babae.
Nilingon ni Carina ang audience. Lahat di na makapaghintay sa isasagot niya. Nakita niya sa isang sulok si Aaron. Sobrang nabagabag siya sa uri ng tingin na ipinupukol nito sa kanya. Dapat maunahan niya ito sa pagsasabi kay Luke nang tunay niyang katauhan.
“I’m sorry, Luke. I can’t.” Naluluhang saad niya at nadismaya ang lahat. Tatalikuran na sana niya si Luke pero pinigilan siya nito.
“What?” Hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya. Pinilit niyang makaalis sa pagkakahawak nito at patakbong lumabas. Papunta sa C.R para doon maglabas nang sama ng loob.
Nagulat siya nang sumampa ang pintuan at nakita ang nagbabaga sa galit na si Luke.
“Why do you have to do that?” Galit na galit ito. Parang kakainin na siya nang buhay sa uri ng tingin nito. “Why?” Sigaw nito sa kanya na hinawakan ang magkabilang balikat niya.
“I don’t worth it. I am not the right girl for you.” Sagot niyang hindi tinitingnan ang lalake.
“I will be the one to tell myself that you are not the right girl for me, not you! How dare you decide for me? You didn’t even give me a chance to prove to you that you are the woman for me!” Kulang na lang ay sapakin siya nito. Kung di siguro siya babae ay nasuntok na siya nito. Hindi niya ito sinagot. Isinuot niya ang kanyang maskara na kanina pa niya hawak.
“What now?” Tanong nitong hindi nakuha ang ibig niyang ipahiwatig. Dahil siguro sa galit nito ay hindi rumehistro rito ang tungkol sa iba niyang katauhan na nais niyang iparating. Unti-unti niyang hinubad ang kanyang damit. Noon lang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Luke. Noon lang nito nakuha ang nais niyang sabihin.
“No! It can’t be!” Umatras ito. Umiiyak na tumango lang siya. “No! You are not her!” Hindi pa din matanggap ni Luke ang nalaman. “You are lieing, you just don’t want to marry me that is why you invented this.”
“It’s true!” Humihikbing wika niya. “I am Via Donoso.”
“I said no, you’re not!” Sigaw nito na iginigiit na hindi siya iyong bayarang babae. “Stop it! Wear your clothes!” Pinilit nitong ipasuot sa kanya muli ang damit na hinubad niya.
“I am her, Luke. I am!” Napasuntok ang binata sa dingding. Galit na galit itong umalis pero hinabol niya.
“Don’t come near me!” Banta nitong tinuro-turo pa siya. “I regretted knowing you!” Napasandal na lang siya sa dingding at hinayaan ang binata na umalis. Napadausdos siya sa dingding ng hallway dahil sa sakit na nadarama.
Nang makabalik si Luke sa pinagdadausan ng kasiyahan ay nagwala siya at pinaalis niya ang lahat ng tao na dumalo sa kasiyahang iyon. Pinagpupunit din niya ang banner na nagsasabing ‘I love you, Carina’. Mahirap mang punitin iyon pero doon niya ibinuhos ang sama ng loob.
“Liar! Liar!” Sigaw niya habang sinisira ang mga dekorasyon.
“Luke, I didn’t lie.” Biglang may nagsalita kaya galit na galit na binalingan niya ito ng tingin.
“You didn’t? Bullshit!” Nag-uumapoy sa galit na sigaw niya rito. “You planned all this. You know that I got money that is why you aim for me. That is why you pretended to be an angel in front of me, so I’ll fall for you.”
“No I didn’t.” Luhaang depensa ni Carina na pumiyok pa sa pagkakasabi nun. “Believe me I love you.” Pilit niyang nilapitan si Luke pero lumalayo ito sa kanya.
“You can’t fool me no more.” Nagbabaga ang mga matang saad nito. “You need money right?” Itinapon ni Luke kay Carina ang perang nasa wallet nito. “Now, grab them and get the hell out of my life. I never wanted to see you again.” Tatalikod na sana ang binata pero niyakap niya ito sa may tiyan.
“Luke… please don’t.” Nagmamakaawa niyang pakiusap rito na huwag siyang iwan nito. Humihikbi na siya. Sobrang sakit ng dibdib niya. “Please don’t leave me.” Matigas na tinanggal nito ang kamay niya.
“Luke, you can’t leave me!” Huling salitang narinig ni Luke bago niya isinampa ang pintuan at tuluyang iniwan ang babaeng nanakit sa kanya. Ang babaeng pinaikot ang ulo niya. Ang babaeng buong-pusong minamahal niya.
I should’ve not given you a chance! I should have not trusted you! Galit na galit na pinagbuntunan niya ng kanyang sama ng loob ang manibela. Pinatakbo niya ng mabilis ang sasakyan…
To read this story, please choose from the options below:









12 comments
florence belos says:
September 30, 2011 at 2:52 am (UTC 0 )
ang ganda nman ng story. yung kilig, drama, ung gustong mabasa ng mga readers nasa story na to. ung IL1 d ko nkita. pwedi po bang ma photocopy to miss j? thnks…..
christineMae says:
October 1, 2011 at 2:33 pm (UTC 0 )
what a nice story..:)
Admin Jane says:
October 1, 2011 at 3:03 pm (UTC 0 )
Thanks Christine
christineMae says:
October 14, 2011 at 3:38 pm (UTC 0 )
your welcome po…
Kzen (A Mae) says:
October 28, 2011 at 9:38 am (UTC 0 )
ATE JANE !!
DDD
hehehe
ISA NA NAMAN PONG WONDERFUL STORY ANG NALIKHA PO NINYO
GALING-GALING… TAOB NA TAOB TALAGA IYONG MGA WRITERS NG PRECIOUS HEART ROMANCE AT KUNG SINU-SINO PA PO PATI NA YUNG MGA IBA PANG PUBLISHING HOUSE, HINDI UUBRA SA SOEURSBELLE
HOPE KO PO TALAGA AND WISH ATE JANE NA SANA TANGKILIKIN NG MARAMING TAO ANG INYONG MGA ROMANCE NOVEL… PARA MARAMING READERS ANG MAI-INSPIRED..
AT SA WRITING ABILITIES PO NINYO.. GOOD LUCK PO AND GOD BLESS
Admin Jane says:
October 28, 2011 at 9:53 am (UTC 0 )
Hahaha Talagang taub na taub. ahihihi… Grabeh! I am so touched sa sinabi mo, Mae, Thank u ha.. *hugs*
gene says:
October 30, 2011 at 8:10 am (UTC 0 )
nice miss j…….wala na akong masabi your a good writer………..
mhaecute says:
March 27, 2012 at 5:28 am (UTC 0 )
pano ko po ma-access tong story mu pong ito, miss_jane?
bianca07 says:
April 21, 2012 at 10:30 am (UTC 0 )
sana makabasa naren ako sa premium
Dolly says:
April 22, 2012 at 5:56 am (UTC 0 )
miss J, paano ko mabasa kadugtong nito? pls..
mejie says:
April 28, 2012 at 4:58 pm (UTC 0 )
Waaahhhh..paano ba makabasa nito? (
joyniscel says:
April 30, 2012 at 1:32 pm (UTC 0 )
Miss j…pxchange po ng token gusto q pong mbsat tong story u po…ang gnda po kc plz…username p po joyniscel.thnx po…wait q po